"Parang ginawa na nila akong doll kasi nga, ako yung pinakamaliit. So, naging friend ko sila. Tapos yun, isa-isa na. Parang ang dami nang nakikipag-usap sa akin," relates Bela Padilla on how she won the friendship of the other contestants in the Asian Super Model Contest held in China.

Photo: Noel B. Orsal

Bago pa man ang Miss Universe 2011, isa nang Pinay ang may naiuwing awards mula sa isang pageant ngayong buwan.

Ito ay ang Kapuso artist na si Bela Padilla.

Naiuwi ng Sisid star ang awards na Miss Friendship at Media's Darling sa Asian Super Model Contest na ginanap sa Guilin at Nanning, Guangxi Zuang Autonomous Region, China, noong September 6 at 7.

Ayon kay Bela, 12 days ang competition.

Umalis siya ng Pilipinas noong August 27 at anim na araw silang namalagi muna sa mga bulubundukin lugar ng scenic Guilin at lunsod ng Nanning.

Tatlo silang nag-represent ng Pilipinas sa supermodel competition na ito na sinalihan ng 36 na modelo mula sa 10 countries.

Kasama ni Bela bilang Philippine representatives ang StarStruck V Avenger na si Fianca Cruz at ang professional model na si Kimberly Tan.

Malaking kumpetisyon daw ito sa China dahil todo ang promotion sa kanila through billboards, malalaking streamers, TV promos, at fashion shows.

Kuwento pa ng 20-year-old na Kapuso, kahit nagtatangkaran ang mga contestants sa competition, napansin pa rin daw siya sa kabila ng height niyang 5'6".

"Kasi kami yung pinakamadaldal!" natatawang kuwento ni Bela tungkol sa kanila nina Fianca at Kimberly.

Masyado raw kasing seryoso at pormal ang karamihang girls na kasali sa competition. Samantalang sila nina Fianca, panay ang pakikipagkuwentuhan at pakikisalamuha.

"Yung China, tatlo silang kasali. Seryoso talaga sila, super ang tatangkad nila at sobrang ang gaganda. They really picked the best for this competition.

"Tapos yung ibang girls, kapag walang ginagawa, pag breaktime, nakatulala lang sila. As in seryoso sila. Hindi sila masyadong talkative. Sobrang pormal.

"Kami, nakikipagtsikahan."