Janice de Belen comes face to face with Charlene Gonzalez for the first time

Rose Garcia
Monday, September 19, 2011 @ 08:31PM  |  5591 views

 

"Ako kasi, kapag tapos na, tapos na. Di ba, move on na? Wala nang ganyan. Wala nang nagda-drama kapag may kinasal. Kasi, yun nga, kapag naghiwalay kayo, naghiwalay na kayo. Dapat maisip mo na ito ang mga posibleng mangyari. It was really fine," says Janice de Belen when Charlene Gonzalez asked her what she felt when she and Aga Muhlach got married.

Photo By: Noel Orsal













For the first time, Janice de Belen sat down for a live, face-to-face interview with Charlene Gonzales on The Buzz yesterday, September 18. 

Alam ng lahat, na bago pa man ikasal si Charlene kay Aga Muhlach, may "Angelo Luigi Miguel or Igi Boy" na anak na sina Aga at Janice.

Kaya ang paghaharap nila nang live kahapon sa The Buzz—at para rin sa promo ng comeback project ni Janice sa ABS-CBN na seryeng Budoy—is a rare moment in local television.

MESSAGE FOR MOMMY JANICE. Pero bago ang naturang interview, isang VTR message muna ang ipinalabas galing sa anak nina Aga at Janice na si Igi Boy para sa kanyang ina.

Ayon kay Igi, who is a father now, "Mabuti talaga ang nanay ko. 

"Sobrang dami niyang pinagdaanan. Alam mo yun?

"Lahat ng pinagdaanan niya for us, never niya yun isinumbat sa amin."

Bukod kay Igi, may apat pa siyang mga nakababatang kapatid sa ina, na mga anak naman ni Janice sa dati nitong asawa na si John Estrada.

Ayon kay Igi, "Being a parent is hard. So, ano pa kaya kung single parent ka? 

"Yung [pagka-]single parent niya at saka, yung pag-aalaga niya sa amin, sobrang sakripisyo na yun, e, di ba?

"Wala siyang kasama. Siya lang mag-isa ang nag-aalaga sa amin.

"Itinuro rin niya sa akin ang pagiging example sa mga anak ko.

"Mas naiintindihan ko ngayon ang mga pinagdaraanan niya dahil may sarili na rin akong pamilya.

"Parang naging example sa akin, e."

WELCOME JANICE. Nang ipakilala na ni Charlene si Janice sa kanyang segment na "Straight From The Heart," hindi maikakailang totoo sa loob ni Janice nang sabihin niyang kinakabahan siya.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  Next »

Related Articles

117 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name