Hayden Kho, Jr. says Vicki Belo is the only woman compatible with his personality

Melba Llanera
Tuesday, September 20, 2011 @ 12:32PM  |  17673 views

 

"Ako, hindi ko na nakikita ang sarili ko na may iba pang ka-partner na sakto o bagay sa pagkatao ko kundi siya lang. Sa kanya, nagiging bata ako, nagiging matanda ako, nagiging doktor ako, etc. She's very supportive," says Hayden Kho about his future wife, Dra. Vicki Belo.

Photo By: Noel Orsal













Pagkatapos ng mga kontrobersiya at intriga na kinasangkutan ni Hayden Kho Jr., nagdesisyon siyang tuluyan nang talikuran ang showbiz.

Ito ay sa kabila ng paminsan-minsan pa rin niyang paglabas sa showbiz functions at pagge-guest sa mga TV show.

Isa nga sa mga showbiz event na dinaluhan ni Hayden ay ang fund-raising show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na "Stars For A Cause" na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa noong Linggo, September 18.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Hayden, sinabi niyang nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay at maging sa press.

Ito ay sa kabila ng mga banat at panghuhusga na ibinato sa kanya dulot ng kinasangkutang sex video scandal noong 2009.

Aniya, "I don't think ang press, hindi naman isang tao lang ang press.  

"Hindi mo naman puwedeng sabihin na lahat ng taga-press, ganito ang ugali. Siyempre, may iba akong kilala na alam kong mabait.

"Pero kung may nasabi man silang masama before, nakalimutan ko na yun, napatawad ko na yun—as in hindi ko na talaga naaalala.

"Hindi kasi ako ganung tao, e, hindi talaga ako marunong magtanim ng sama ng loob. Madali talaga akong makalimot.  

"I am open to making friends with anyone who wants to make friends with me.  

"Kahit hindi press, kahit sinong tao na gustong maging kaibigan ako, bakit hindi?"

Dagdag pa niya, "Sa akin, kung pinersonal man ako ng ibang tao before, parang naiintindihan ko naman kung bakit sila naipit about me, kung bakit nila nasabi ang mga yun about me.  

"So, mahirap ang time na yun na wala kang mapagkakatiwalaan, walang naniniwala sa iyo.

"Parang naipinta na si Hayden, ganitong klase ng tao. Kulang na lang sabihin na 'demonyo, pervert...'

"Nung time na yun, masakit.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

73 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name