Lexi Fernandez says she and screen partner Derrick Monasterio are so close, he even tells her who his crushes are. "Masaya ako na nase-share niya sa akin yung mga ganun. Tsaka sobrang magaan kayong magtrabaho, na may ganun kayong relationship ng ka-loveteam mo na friendship lang talaga."

Photo: Noel B. Orsal

Nag-last shooting day si Lexi Fernandez at iba pang cast members ng The Road sa Lagro, Novaliches nung Miyerkules, September 21.

Mas unang nakilala bilang "mean girl" or "queen bee" sa campus ng mga ginawa niyang teen TV shows, ngayon, ay makikita naman ang 16-year-old young actress na gaganap sa isang horror film.

Anong paghahanda ba ang ginawa niya para sa pelikulang ito ng GMA Films?

"Duwag po talaga ako sa totoong buhay. Sobrang matatakutin ako.

"Nai-imagine ko na lang na ganun. Tapos yun na lang po. Wala naman pong preparation.

"Tapos nanood kami ng Insidious. Kaming lahat sa Tween Hearts cast," pagkukuwento ni Lexi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang showbiz press na nasa set ng bagong Yam Laranas horror movie.

Sobrang "cool" na director daw si Direk Yam.

"At ang saya makatrabaho ni Direk Yam," paglalarawan pa ni Lexi tungkol sa direktor na nakilala sa mga pelikulang Balahibong Pusa, Radyo, Sigaw, The Echo, at Patient X.

"Kasi alam niya yung gusto niya, na parang sasabihin niya na lang sa iyo, sasabihin niya kung ano ang gusto niya, tapos ikaw na'ng bahala  mag-deliver."

Kakaibang experience daw talaga para kay Lexi ang gumawa ng horror movie.

Hindi niya raw makakalimutan ang eksenang kinunan sila sa loob ng isang morge ng isang ospital.

Pinahiga raw sila ni Derrick sa mga kamang gawa sa bakal. Yung mga kamang ginagamit para sa mga bangkay na hinihiwa ang katawan at ini-examine ang laman-loob.

"Sabi sa amin, hindi pa naman gamit na. Pero ginawa raw talaga para sa amin yun," kuwento pa ni Lexi tungkol sa isa sa mga eksena sa The Road.

PLAYING DIFFERENT ROLES. Gusto raw ni Lexi na nabibigyan siya ng iba't ibang klaseng role.

"Para sa akin, mas gusto ko yung iba-iba. Ang dami ko nang na-try.