"Ang ikinakagalit ko sa kanya ngayon, patuloy pa rin niyang sinasabi 'Wala naman akong ginawa, wala naman akong sinasabi.' Ano ba? Tahimik na lang tayo. Anong walang sinasabi? Ano ba? Alam ko lahat ng sinasabi mo," says Boy Abunda about Erik Santos.

Photo: Nerisa Almo

Nilinaw ng beteranong TV host na si Boy Abunda ang naiulat na sumama raw ang loob niya sa dating talent na si Erik Santos dahil umalis na ito sa Backroom, ang dating talent management na pinamamahalaan ni Boy.

Ayon kay Boy, ang totoo raw ay sila ang kusang nag-release kay Erik dahil sa mga paninirang ginagawa nito sa kanya at sa Backroom.

Pero masama nga raw ang kanyang loob kay Eric.

Ito ang sinabi ni Boy nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live airing ng The Buzz kahapon, September 25.

Kuwento ni Boy, "Si Erik ay ni-release namin dahil sa aming palagay ay kaya niya nang mag-produce ng sarili niyang concert, kaya niya nang pangalagaan ang kanyang sarili kaya okey na sa amin.

"Pero more than that, may sama ako ng loob sa kanya. At ito'y sinabi ko sa kanya.

"Pero nung sinabi ko sa kanya... Ito ang pag-uusap namin. Sabi ko, 'Erik, oo, may sama ako ng loob. Galit ako sa 'yo.'

"'Sanay akong tumawag sa telepono at nakikipagharap ako. 

"Sinabi ko, a.... 'Pero huwag na nating idetalye at that point I was angry.

"'Huwag na nating idetalye dahil mag-aaway tayo at dahil lalalim itong away natin at mahihirapan tayo maghilom.

"'Huwag tayong magdetalye, pero sinasabi ko sa 'yo na masama ang aking loob, etcetera, etcetera.'

"'Patawarin mo ako Tito Boy sa aking nagawa. Patawarin mo ako, blah, blah, blah.'

"Sabi ko, 'Oo, Erik, sobra kitang mahal, hindi lang bilang isang artista kundi bilang isang kaibigan.'

"Because Erik is really a friend of mine.

"Sabi ko, 'Tapusin natin ito. Ang request ko lang sa 'yo after this conversation, shut up.'"