"Kasi ano naman, e, 18 na ako. Next year 19 na. So, wala na po talaga ako sa category ng teens. Open naman po ako sa mga ganung offers just in case, pero prepare-prepare muna," says Alden Richards about posing sexy in pictorials.

Photo: Paolo Fernandez

Mula sa pagiging regular cutie, pang-apat na ngayon sa listahan ng Celebrity Cuties ng Candy Magazine ang Kapuso young actor na si Alden Richards.

Kuwento niya, "[Noong] hindi pa ako artista, napasama po ako sa top regular cuties before.

"Then, ayun nga po, after a year, dun nga po nag-start yung projects ko sa television.

"Tapos ngayon po, I ended up sa top four on celebrity naman.

"So, before, nung nagpupunta po ako dito, kasama lang po ako sa mga regular cuties who go to the booths, yung mga booths po dito na marriage booth, kissing booth, ganun.

"Then, na-realize ko na ang suwerte ko pala na nagkaroon ako ng blessing na ganun kalaki."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Alden pagkatapos ng kanyang performance sa Candy Fair noong Sabado, Setyembre 24, sa Megatent Events Venue, Pasig City.

Sa kanyang pagkanta ng "Jetlag" ay sinabayan siya ng kanyang fans habang walang tigil na nagtsi-cheer para sa kanya.

SEXY MAGAZINES. Nineteen years old na si Alden next year. Kaya naman marami na ang nagtatanong kung makikita na siya sa mga sexy magazines sa susunod na taon.

"Kasi ano naman, e, 18 na ako. Next year, 19 na.

"So, wala na po talaga ako sa category ng teens.

"Open naman po ako sa mga ganung offers just in case, pero prepare-prepare muna," saad niya.

Pero kung gaano ka-sexy na pose naman ang usapan, sinabi ni Alden na, "Depende po sa kanila kung ano po gusto nila.

"Pero siguro hindi lang po up to the point na wala nang suot.

"Pero, anything below that, kaya."