Bb. Joyce Bernal is directing the first movie project of Kris Aquino and Dingdong Dantes, Segunda Mano.

Photo: Noel Orsal

Sa imbitasyon ng isang kaibigan, napadalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Spoon ni Ms. Janice de Belen sa Net 25.

Tiyempo namang guest sa naturang taping ang direktor na si Joyce Bernal, na malugod kaming pinaunlakan para sa isang interbyu.

Ang unang pinag-usapan ay ang upcoming entry niya sa Metro Manila Film Festival, ang Segunda Mano, na itinatampok sina Kris Aquino at Dingdong Dantes.

Isang malaking karangalan daw para sa kanya na siya ang napili nina Kris at Dong na mag-direk ng kanilang unang tambalan.

Sakto lang daw ito sa gusto niyang makagawa ng isang pelikula na magiging entry sa Metro Manila Film Festival.

"Inisip ko rin na kasi, hindi ako nagpi-film festival so inisip ko rin dati na mag-festival kaya ako na movie, ano kayang maganda, kasi usually pinaghahandaan mo 'yan, e."

 

Muntik nang hindi ito natuloy dahil may isa pa siyang project na pinagkaka-abalahan.

Ang kanyang kuwento, "Ay, gagawa ako nang ganitong script para sa festival ganun, ganun, e...Ako wala akong ganung inisip hanggang sa actually, ako talaga yung gusto nila and then, sabi ko,  'Ako, may Kimmy Dora ako,' so tumanggi ako sa kanila.

"Nung na-postpone yung Kimmy Dora, so, sabi ko, 'Sige, okey na ako.' 'Tapos bumalik yung Kimmy Dora ulit right after [nung tinanngap ko ang Segunda Mano], so naka depende yung Kimmy Dora dun sa schedule ng Segunda Mano. 'Pag natapos ko na 'to saka palang ako puwede mag-Kimmy Dora."

WORKING WITH KRIS. Maraming "first time" daw si direk sa pelikulang ito.

First time niyang makatrabaho ang bunsong kapatid ni PNoy, at napabilib daw ito sa professionalism nito.

Aniya, "Si Kris, nagulat nga ako, wala akong kaproble-problema sa kanya, laging handa, always ready, kung minsan nagpapa-late call kami sa kanya, 'tapos sabi niya, 'Ay, hindi papunta na ako diyan.'

"Di ba nakaka-pressure na ang aga-aga niya pumunta kahit wala pa namang kukunang eksena sa kanya."

Biniro namin si direk kung nakaramdam ba siya ng takot na isang Kris Aquino ang kanyang ididirek?

Ang kanyang sagot: "Di naman. Hmmm, actually yun yung gusto kong i-maintain—yung hindi ako takot sa kanya. Kasi ayokong matakot, kasi kung hindi, mati-takeover niya yung mga gusto kong mangyari sa set. So, kailangang hindi ako matakot.

"E, epal naman talaga ako, e, as a person," sabay halakhak niya nang napakalutong.