Hindi na naman dumalo si Diamond Star Maricel Soriano sa itinakdang clarificatory hearing noong Miyerkules, Oktubre 3, sa opisina ni Fiscal Paulo Talban sa Makati Prosecutor's Office.
Ito ay kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng mga dati niyang kasambahay na sina Mae Cachuela at Camille Acojedo, matapos diumano silang saktan at pagbantaan ng aktres. (CLICK HERE to read related article.)
Noong Hulyo 6, 2011 ang unang itinakdang pakikipagkita ni Maricel sa kanyang mga dating kasambahay sa Barangay Poblacion sa Makati, ngunit hindi siya sumipot. (CLICK HERE to read related article.)
Sa hearing naman kahapon, ayon sa report ni Jen Cruz-Pastrana ng Radyo Inquirer 990 AM, kasamang dumating nina Mae at Camille ang kanilang legal counsel na si Atty. Tolie Estrella.
Halos tatlong oras mahigit daw silang naghintay, kasama ang ilang media outfits na gustong makapanayam si Maricel.
"NOT NOTIFIED." Ayon sa panayam ni Atty. Estrella kay Mon Tulfo sa programa nito sa radyo, mahalaga raw ang clarificatory hearing para sa pagproseso ng kanilang isinampang reklamo.
Saad ng abugado, "Bale last week po, e, nagpasya po ang investigating prosecutor na si Paulo Talban na i-schedule po ang dalawang kampo para sa clarificatory hearing.
"Ang ibig pong sabihin nito is bibigyan ng pagkakataon ang bawat partido na linawin ang mga issues na malabo sa prosecutor bago niya ito pagdesisyunan kung anong kaso ang dapat isamapa laban sa respondent."
Dagdag pa niya, ikinagulat niya ang hindi pagdalo ni Maricel dahil nakita pa niya diumano ang legal counsel nito na si Atty. Raquel Taguien sa lobby ng naturang tanggapan.
Tingin daw ni Estrella, maaaring umiiwas si Maricel na magpa-interview sa media na naroroon sa Prosecutor's Office.
"E, gaya po ng nasabi ko, nabigyan kami ng notice.
"Actually, nakita ko pa nga ang legal counsel ng respondents sa lobby kaninang umaga.
"Laking gulat ko na lang nang nag-text na 'we're not notified' daw, wala daw silang notice."
ADDITIONAL CASES. Samantala, sinabi ni Atty. Estrella na maaaring madagdagan pa ang kasong isasampa nila laban kay Maricel.
"Originally po kasi is, dahil nga sa panahon na 'yon, e, wala pang legal counsel sina Mae," panimula niya.




0

