Na-late ng dating si Paolo Ballesteros sa launch ng coffee table book ng Eat Bulaga!, Ang Unang Tatlong Dekada, noong Huwebes ng gabi, October 6, sa Whitespace Chino Roces Avenue Extension, Makati City.
"Hindi natuyo yung gown ko. Hinintay kong matuyo!" biro ni Paolo nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang dahilan ng kanyang pagiging late.
Pero ang totoo raw, "Hindi, kasi coding kasi ako. So, umaalis ako ng bahay mga before 7 [p.m.]. Medyo na-traffic lang."
Hindi na nga naabutan ni Paolo ang programa kung saan nagbalik-tanaw ang mga dati at bagong hosts ng Eat Bulaga! sa unang tatlong dekada ng longest-running show sa bansa.
Sa kaso ni Paolo, nagsimula raw siya sa Eat Bulaga! ten years ago. Twenty-one years old lang daw siya noon.
Kuwento niya, "Nag-start ako no'n as host ng isang competition na ginagawa nila outside studio, remote.
"Ayun, twice-twice lang 'yon before, tapos nung natapos yung contest, nawala.
"Tapos nung binalik ulit yung contest, ayun, kinuha nila ulit ako. Hanggang sa...
"Ang ending ko, remote pa rin ako hanggang ngayon!"
Ang tinutukoy ni Paolo ay ang popular segment ng Eat Bulaga! na "All For Juan, Juan For All." Dito ay binibisita nina Jose Manalo at Wally Bayola ang ilang mga barangay sa Pilipinas upang magpamudmod ng kaligayahan at papremyo.
Ano ang pakiramdam na bahagi siya ng longest-running at highest-rating show sa Pilipinas, na ngayon ay nasa ika-33 taon na?
"Ay, siyempre masaya. Alam mo yun?
"Ayan o, pag nakikita ko yung mga pictures namin, ano, masaya.
"Saka ang dami nang dumating, ang dami nang nawala, pero ayun, awa ng Diyos, nandito pa rin.
"Isipin mo, ten years... Actually, yung years ko sa showbiz, sa TV... dito ako nag-start," saad niya.




0

