Bukas sa showbiz na hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Melissa Ricks at Jake Cuenca.
Hindi itinago ni Melissa na nasaktan siya at talagang dinamdam nito ang break-up nila ni Jake.
Naging vocal din ang Kapamilya actress na hindi pa siya handa para maging kaibigan at makatrabaho ang ex-boyfriend.
HAPPIER NOW. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa sa ASAP Rocks noong Linggo, October 9, ipinahayag ng aktres na mas okay na siya ngayon.
"A lot better compared to a couple of months ago. Ang masasabi ko ngayon, mas nag-e-enjoy ako sa buhay ko.
"Mas lumalabas ako with friends. Mas marami akong natutunan na hindi ko alam dati kasi close ako sa isang bagay lang.
"Now, mas marami akong nabe-venture na mga bagay. Marami na akong nakikilalang mga kaibigan, and I'm happy.
"Siguro, yung mga bagay na ganyan, nangyayari sa buhay natin to show us and appreciate things more. Kailangang pagdaanan mo talaga.
"Siguro, hindi lang one heartbreak, maybe there's more [to come], pero at least napatibay ako."
NOT YET JAKE! Napatunayan din daw ni Melissa sa nangyari na malaking tulong ang lumayo muna sa taong nakasakit at mapaligiran ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya gaya ng kanyang mga kaibigan.
Aniya, "It's a good factor na lumayo muna ako para maka-get over.
"Sobrang glad ako na nandiyan ang mga friends ko. Kasi kung wala sila, 'di ko alam kung ano'ng nangyari sa akin.
"Mas naramdaman ko na mahal ako ng mga kaibigan ko.
"Now, I go out more. Hindi naman sa gimik, chill-chill lang. Hang out.
"I go to my friend's house. Naglalaro kami ng board games.




0

