Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial clarifies misconstrued statement about Shamcey Supsup

Glen P. Sibonga
Friday, October 14, 2011 @ 04:28PM  |  21670 views

 

Athena Mae Imperial (main photo) on previous statement about Shamcey Supsup (inset): "I would like to clarify na 'yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong. So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun. Ako naman po, ang sinabi ko d'un is my forte, yung Question and Answer portion.

Photo By: Noel Orsal













Nagpapasalamat si Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para magpaliwanag tungkol sa isyu ng diumano'y "rivalry" nila ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Hindi na raw kasi nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Athena matapos maging isyu ang tungkol sa mga binitiwan niyang salita tungkol kay Shamcey sa kanyang interview kay Boy Abunda para sa Bottomline noon pang June 25, 2011.

Ang tanong kasi ni Boy kay Athena ay: "If you are to compete with Shamcey in a pageant, what part of it will you standout?"

"Question and Answer portion," ang mabilis na sagot ni Athena.

Hindi naman inakala ni Athena na magiging isyu pala ang kanyang honest answer, lalo na nung nakatanggap na siya ng negative comments at feedback sa Internet at mga social networking sites.

Paglilinaw ni Athena, wala naman siyang intensiyong magmalaki o magyabang sa kanyang sagot.

"I would like to clarify na 'yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong.

"So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun.

"Ako naman po, ang sinabi ko du'n is my forte, yung Question and Answer portion.

"Du'n naman po sa Bottomline, sinabi ko lang po kung ano yung unang nasa isip ko," paliwanag ni Athena.

Nakausap ng PEP si Athena sa Gabay Guro Grand Gathering ng PLDT-Smart Foundation na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong October 9.

Siya ang nagputong ng korona sa nanalong 2011 Gandang Guro mula sa mga guro na tumanggap ng libreng makeover kay Ricky Reyes.

Hindi na nga lang daw pinapansin ni Athena ang mga negative comments sa kanya.

Aniya, "Sa nangyayari po ngayon, ayoko na lang din pong patulan yung mga nagsasabi ng hindi maganda sa akin.

"Pag pinatulan ko po kasi, lalo lang lalaki yung isyu."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name