Congressman Manny Pacquiao is in the news again after a report came out claiming that he allegedly fathered a lovechild with a 22-year-old Culinary student. But Kat Ordoñez, the alleged other woman, denied this in a phone-patch interview with Showbiz Central.

Photo: Noel Orsal

"Imposibleng si Congressman Manny Pacquiao ang maging tatay ng anak ko, kasi po yung father ng baby ko, yung nasa Dubai."

Dagdag pa ni Kat, "Kasi po ganito ang story niyan, yung ex-boyfriend  ko po na assistant ni Manny Pacquiao... ni Congressman Manny Pacquiao po, hmmm... lagi ko nga kasama, so naging close ko po sina Congressman Manny Pacquiao at in-invite ko sa binyag.

"Siyempre po, nakakagulat po kasi po pati family ko, nadamay. Tahimik po kami na tao.

"Saka nakakahiya din po sa pamilya ni Congressman Pacquiao."

Humingi rin ng paumanhin si Kat kay Manny at sa pamilya nito.

"Para po kay Congressman Manny Pacquiao at sa pamilya niya po, humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi naman po totoo yung balita.

"At nakikiusap naman po ako sa mga sumulat at mga naninira po ng ibang tao, sana naman po tigilan na po nila ang paninira at pag-usapan yung ibang tao na naapektuhan at nasasaktan po."

JINKEE'S REACTION. Pagkatapos magpaliwanag ni Kat, ang reaksiyon ni Jinkee Pacquiao tungkol sa isyu ang hinihintay ng mga tao.

Nagsalita noon si Jinkee na magbibigay siya ng Hermes bag sa sinuman na makapagpapatunay na may ibang babae ang kanyang asawa, pero binawi niya ang sinabi dahil nagbibiro lamang daw siya. (CLICK HERE to read related story.)

Lumabas noong Sabado sa Bulgar ang mga litrato ng binyag at kinagabihan, isang malapit kay Jinkee ang nagsabi sa writer na ito na nagpabili ng maraming kopya ng tabloid ang asawa ni Manny dahil ito raw ang kanyang gagamitin na ebidensiya.

Kasalukuyang nasa Amerika si Manny para sa training niya sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez sa November 13.

Kapansin-pansin na tuwing nalalapit na ang laban ni Pacquiao ay saka lumalabas ang mga isyu tungkol sa kanya.

Nagkataon lang kaya ito o may gumagawa talaga ng paraan upang mawala sa focus ang tinaguriang Pambansang Kamao?