Elmo Magalona corrects rumor mom Pia dislikes Julie Anne San Jose to be his loveteam

Glen P. Sibonga
Monday, October 17, 2011 @ 06:58PM  |  552 views

 

Elmo Magalona on issue that his mom Pia dislikes Julie Anne San Jose as his loveteam: "I don't know. As her son, I think I know better na hindi niya sasabihin yun. Actually, humahanga siya kay Julie bilang magaling na performer. At nakakasama namin si Julie."

Photo By: Noel Orsal













Masaya si Elmo Magalona na muling nabigyan ng proyekto ang loveteam nila ni Julie Ann San Jose.

Pagkatapos kasi ng sitcom na Andres de Saya na pinagbidahan nina Cesar Montano at Iza Calzado ay magkakasama ulit sila sa bagong teleserye ng GMA-7 sa Afternoon Prime block.

Ito ay ang Daldalita, na nagsimula ngayong araw, October 17, bago mag-24 Oras.

Ginagampanan ni Elmo ang role ng zoo keeper na si Gino, na magkakagusto naman kay Marga, played by Julie Anne.

May mahalagang role silang gagampanan para sa bidang si Daldalita, na ginagampanan ni Jillian Ward.

Bagamat walang romantic relationship na namamagitan kina Elmo at Julie Anne, parang gusto yata ng kanilang fans na mauwi sa totohanan ang kanilang loveteam.

Hindi ba sila nape-pressure sa fans nila?

"Hindi naman. Wala namang pressure, kasi hindi naman iyon nakararating sa amin.

"Masaya lang kami na sinusuportahan nila kami," sabi ni Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa ngayon daw mabuting magkaibigan lang daw sila. Hindi ba mas lalalim pa sa friendship ang samahan nila?

"Well, maybe as friends muna na mas magiging close pa kami at mas makikilala pa namin ang isa't isa."

Ano ba ang ina-admire niya kay Julie Anne?

"Yung ano niya, kasipagan. Kasi um-attend siya ng presscon kahit may sakit.

"So, talagang dedicated siya talaga sa trabaho niya."

Ipinagtanggol din ni Elmo si Julie Anne sa intriga na diumano'y ayaw raw ng Mommy Pia niya sa kanyang ka-loveteam.

1  2  3  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name