Nag-celebrate ang Wil Time Bigtime noong October 15, 2011, sa pagdating ng bago nitong co-host na si Mariel Rodriguez.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bagong Kapatid in between commercials ng show.
Una naming tinanong ang tungkol sa "reunion" nila ng main host ng show na si Willie Revillame, na nakasama ni Mariel sa Wowowee ng maraming taon.
Ang kanyang masayang bungad, "Thank you so much. It's so overwhelming talaga!
"Kasi, hindi ko naman ini-expect na ganun kainit ang pagtanggap nila sa akin talaga.
"Kasi, sabi ko naman sa kanila na huwag na tayong mag-surprise, huwag na tayong gumawa ng kahit ano...
"Pero siguro, more than that, yung hindi n'yo nakikita sa camera, yung pag-welcome sa akin.
"Kasi parang reunion, e, namin ni Kuya Willie, staff...halos lahat sila kilala ko lahat 'yan, e.
"Kaya hindi mo talaga maramdamang hindi ka nabi-belong."
THANKFUL. Siyempre, hindi mawawala ang mister nitong si Robin Padilla sa unang pagsalang ni Mariel sa show.
"Gusto ko talagang pasalamatan sila kasi hindi ko talaga ini-expect na darating si Robin Padilla.
"Ang galing, ang galing ng ginagawa nila.
"Hindi niya [Robin] ako tinext buong araw.
"Sobra talaga, alam mo kanina, naiyak na nga ako kasi hindi ako sanay.
"Kasi siya talaga yung number one na nag-i-encourage, siya talaga yung nagpu-push.




0

