Tulad ng ibang baguhan, o relatively new sa larangang pinasok sa showbiz, ay kakikitaan ng natural na kabaitan at sigla sa trabaho ang tulad ni Rodjun Cruz.
Sabi nga, hindi pa 'jaded' ang tipo niya.
Isa si Rodjun sa tatlong miyembro ng all-male sing-and-dance group na Sakto, along with Lucky Mercado and Edgar Allan Guzman, na nanalong Group Artist of the Year sa katatapos na PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music, last October 16.
Nanalo ang grupo para sa ni-record na self-titled album, ang Sakto, ng Sony Music.
Pare-parehong hindi nag-e-expect ng award ang tatlong unassuming young artists.
Kaya ganu'n na rin lang ang nagkakaisang tuwa at malugod nilang naging pagtanggap sa tinamong parangal.
"Oo naman. Siyempre, win or lose, ang mapasama ka dito [sa nomination] parang panalo ka na rin," masayang wika ni Rodjun nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nu'ng mismong gabi ng parangal.
"Isang karangalan po yun, na nandito kami," banggit pa ni Rodjun.
Higit sa pagwawagi ng parangal, aniya pa, "Masaya rin po kami dahil nagpe-perform din po kami dito [sa awards program]."
'SAKTO' STINTS. Isang taon pa lang ang grupo nina Rodjun, Lucky at Edgar Allan, pero marami na raw silang shows na nagagawa.
Ngayon, awardee pa sila, para sa ni-record na album.
"Okey naman," sabi pa ni Rodjun.
At malaki rin ang pasasalamat ng young singer-actor, dahil kumikita sila sa ginagawang mga shows.
"Oo naman. Kung saan-saan [na] kami nagsu-show, out-of-town.
"Hindi lang sa kita, [kundi] sobrang saya din. 'Tsaka yung opportunity, na nakakapagpasaya kami ng mga tao 'pag nagpe-perform.




0

