Dinayo pa ni Jennylyn Mercado, TV host ng Showbiz Central, si Governor Vilma Santos-Recto sa Batangas City. Mainit ang pagtanggap sa kanya ng actress-politician na ina rin ng nali-link romantically kay Jennylyn na si Luis "Lucky" Manzano. 

Photo: Ruel J. Mendoza

Not to be missed this Sunday (October 23) sa Showbiz Central ang exclusive one-on-one interview ni Jennylyn Mercado kay Star for all Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Dinayo pa ng Starstruck Ultimate Female Survivor at ngayo'y celebrated TV host ng Showbiz Central si Governor Vi sa Batangas City.

Mainit ang pagtanggap sa kanya ng actress-politician na ina rin ng nali-link romantically kay Jennylyn na si Luis "Lucky" Manzano.

Ginawa ni Jennylyn ang exclusive interview na ito dahil sa nalalapit na birthday ni Governor Vi on November 3 at sa magiging 49th anniversary nito sa showbiz.

Maraming ni-reveal si Governor Vi tungkol sa kanyang showbiz career, pagiging isang politician at ang kanyang pagiging ina kina Luis at Ryan Christian at pagiging maybahay kay Senator Ralph Recto.

Pero ang talagang aabangan ay ang masayang kuwentuhan at tawanan nila Governor Vi at Jennylyn. May kuwento ang aktres at TV host kung paano siya naging mahusay sa pag-interview na kinatuwa nang husto ni Governor Vi.

Bago nagsimula ang one-on-one interview, sinabihan ni Governor Vi si Jennylyn na huwag itong kabahan at mag-enjoy lang siya sa kuwentuhan nila sa harapan ng kamera. Relax lang daw ito para maitanong nito ang lahat ng gusto niya.

Nagbigay rin ng advice si Governor Vi kay Jennylyn, lalo sa pagiging isang ina. At nabanggit pa niya na always welcome ang aktres sa anumang okasyon ng kanilang pamilya. Ang hectic schedules lang ni Jennylyn ang nagiging problema kaya hindi ito parating nakakarating.

Ilan lang 'yan sa mga aabangan ng mga Vilmanians at ng fans ni Jennylyn ngayong Sunday sa Showbiz Central, 4 p.m. on GMA-7 pagkatapos ng Reel Love Presents Tween Hearts.