Ruffa Gutierrez on text messages she received from Shaina Magdayao:  "The following day, at nine in the morning, tumawag sa akin si John Lloyd and he said, 'I'm very sorry for what happened last night. May mga problemang nangyari. But I apologized kasi hindi ka dapat madamay.' So, it's very clear na wala akong kinalaman kung anuman ang pinag-awayan nila at nadamay lang ako. Hindi ako dapat nadamay."

Photo: Noel Orsal

"And the reason why I'm saying this now is because para maklaro sa lahat ng tao na pumunta ako dun [sa concert] bilang bisita ni Vina.

"And I did my own thing. They did their own thing.

"So, kung may gulo man na nangyari doon, wala akong kaalam-alam. I was totally clueless until I got the messages.

"I don't wanna say kung ano yung mga messages na yun, pero it was not very nice and it was not very kind.

"So, bilang ayokong patulan, ang pinsan ko na galing sa States ang sumagot ng 'Please, stop texting.'

"And nakasalubong ko naman yung pamilya ni John Lloyd sa labas.

"Sinumbong ko sa kanila na bakit ako tine-text, wala akong alam kung ano ang nangyayari."

Paano niya nalaman na si Shaina ang nagte-text sa kanya? Kaninong telepono ba ang gamit nito?

"She was using John Lloyd's phone. Kasi there was this private number that was texting me.

"So, anyway, after that, kumain na kami sa North Park, walang nangyari.

"Oh, my gosh, tapos bakit ako tine-text wala naman akong ginagawang masama? I should have stayed home.

"Sinisi ko pa yung mommy ko and everything."

May mga insults bang pinadala sa kanya sa text?

"Direct insults came. A lot of curse words, things like that.

"Pero for me, I'm so happy na with my life. I'm so blessed."