Vilma Santos on past controversies: "There was a time, natsismis pa na nagpakamatay ako nang dahil sa problema ko diyan... because of the betamax issue. But again, you know, kapag alam mong hindi totoo, matapang ka, 'di ba? Pero at the same time, tao lang tayo. Kahit papa'no, naaapektuhan tayo ng mga negatibo. Tama?"

Photo: Ruel J. Mendoza

"Ang medyo naging metikuloso lang ako, maybe because sa tagal ko na rin sa industriya... paulit-ulit na ginagampanan ko.

"Like, when I played the role of a mistress [in Relasyon], parang sunud-sunod lahat, puro mistress ang role ko. 

"So, do'n lang ako medyo nagiging metikuloso kapag paulit-ulit na 'yong character na ginagampanan ko. Parang... iba naman.

"So, every time na may kukuha sa akin, ang tanong ko kaagad, 'Ano 'yong theme ng movie?'

"Do'n, medyo metikuloso na ako. Lalo na ngayon. 

"Kasi ngayong naging gobernador na ako, ano na, e, may limit na 'yong time na puwede akong makagawa ng pelikula. Na, every two or three years.

"And when I made In My Life [2009], six years ang gap.

"So, ngayon, maybe because kailangan kapag gumawa ako, since limitado na, 'yong talagang gusto ko. 

"And at the same time, 'yong alam kong may maio-offer akong iba sa mga manonood."

RIVALRY WITH NORA. Tumatak din sa history ng Philippine Cinema ang matinding rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor. 

Hindi nga raw malilimutan ni Vilma kung paano magkarambulan ang kani-kanilang fans ni Nora kapag nagpapang-abot na.

"Noon, talagang nag-aaway! Dyusko, talagang patayan noon!

"Hagisan ng mga basag na bote. Hiwaan ng blade. Tusukan ng perdible. 

"Gano'n ka-fantic talaga!

"I guess it helped us... Nakita namin kung paano kami talaga minahal ng mga fans namin. It made our career healthier.