Jose Manalo (left) on comments that his tandem with Wally Bayola is what makes Eat Bulaga worth-watching these days: "Kahit kanino natin itanong, siguro maganda lang yung naibigay na portion sa amin. Pero, kahit ano'ng gawin mo, kahit sino pa sa amin lahat sa Bulaga, hangga't nandiyan ang TVJ [Tito, Vic & Joey], tatayo pa rin ang Eat Bulaga!"      

 

Wally Bayola (right) has also this to say: "Ay, hindi naman. Hindi naman. Hindi, hindi. Kasi let's say yung 'Juan For All, All For Juan,' mas nakakatuwa siya, mas maganda siya pag nandun si Bossing [Vic]."

 

 

Photo: Paul Mata

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga komedyanteng sina Jose Manalo at Wally Bayola kagabi, October 24, sa Broadway Studio ng TV5 para sa presscon ng bago nilang show na The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto.

Ang una naming itinanong ay kung pareho ba ang kanilang talent fee or mas mataas ang tinatanggap ng isa sa kanila.

Ayon kay Jose,"Pareho lang! Dumating yung time na tinataas nila yung TF [talent fee] ko, pero hindi ako pumayag.

"Gusto ko pareho kami. Hindi ko tinatanggap pag mas mataas ang TF ko."

Ayon naman kay Wally, "Actually hindi ko alam, e, hindi ko alam."

Hindi raw nila napag-uusapan ang tungkol sa TF.

"Sa totoo lang, hindi, hindi. Actually, kung sa ibang shows, dahil minsan naman... actually nauna naman talaga si Jose sa akin, yung ganun.

"Si Jose yung ganun, kung mas mataas siya, pero yung nag-uusap about TF, parang hindi."

Hindi siya insecure kay Jose?

"Hindi ako kailangang ma-insecure, kasi nauna naman si Jose sa ganitong klase ng trabaho," sabi ni Wally.

Nauna nga si Jose, pero mas tanggap ng tao kung silang dalawa ni Jose ang magkasama.

Hindi yata masyadong tinatangkilik ng publiko kung si Jose lamang at wala si Wally and vice versa?

"Ay, hindi naman, pero okay lang din naman sa akin yun," sabi ni Wally.

DO THEY QUARREL? Tinanong naman namin si Jose kung nag-away na ba sila ni Wally.