Wally Bayola on being mistaken as gay: "Nasanay na ako. Minsan may nagsabi sa akin na, 'Oy, wala kang kasabihan, nahahalata ka talagang hindi ka bading!' Hindi ko alam kung saan ako na-hurt. Kasi, di ba, ang mga bading, magaling sa kasabihan? Hindi ko alam kung mahihiya ako sa aking sarili na hindi ako bading!"

Photo: Paul Mata

Very humble sa pagsasabi si Wally Bayola na kung popular man sila ngayon ng ka-tandem niyang si Jose Manalo, 'yon ay dahil sa noontime variety show na Eat Bulaga!.

At kahit na may mga opinyon na ang segment na "Juan For All, All For Juan" ay matatawag na poste ngayon ng naturang TV program, ibinabalik pa rin ng TV host-comedian ang credit sa show, lalong lalo na sa Bossing nila na si Vic Sotto.

"Kasi, let's say, yung 'One For All, All For One,' mas nakakatuwa siya, mas maganda siya pag nandoon si Bossing.

"Kasi pag namimigay kami ng premyo na wala si Bossing, yung mga tao, si Bossing pa rin ang hinahanap.

"Mas funny siyempre pag kumpleto.

"Nagkataon lang siguro na kakaiba.

"Pero hanggang ngayon, yung 'Pinoy Henyo' is okey pa rin, e.

"Sabihin natin na yung 'One For All,' e Eat Bulaga! 'yon.

"Hindi naman kami gumano'n [sumikat] nang dahil lang sa amin, e. May ibang mga artista din," lahad ni Wally.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa presscon ng bagong TV show nila nina Bossing at Jose sa TV5, ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto, noong October 24 sa Broadway Studio.

Ang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto ang papalit sa R U Kidding Me?. Magsisimula ito sa November 5 pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Ano ba ang pakiramdam na kahit saan siya magpunta ngayon ay kilalang-kilala na siya?

"Nakakatuwa. Dati hindi naman gano'n, e," aniya.

IS WALLY GAY? Masasabing well-loved ang character niya, at siya mismo, sa Eat Bulaga. May pressure ba na panatilihin 'yon kahit wala na siya sa harap ng camera?