Nagbabalik sa pagiging active sa showbiz ang nag-asawa nang si Roxanne Guinoo. Si Manny Valera ang bagong manager niya at excited ito sa mga trabahong naka-lineup para sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Kaka-turn one-year old lang ng anak ni Roxanne na si Reine noong nakaraang September at nagpaalam naman siya sa kanyang mister na si Elton Yap kung okey bang mag-showbiz siya ulit.
"Nami-miss ko na kasi ang mag-taping at mag-shooting. Since pumasok ako ng showbiz noong 2004, hindi ako natigil sa pagtrabaho. Noong mabuntis at mag-asawa lang ako talaga tumigil.
"Siyempre, nanibago ako. Kung noon hindi ako napipirmi sa bahay dahil sa magkakasunod na trabaho, noong mabuntis at mag-asawa ako, biglang iyon na lang ang naging mundo mo.
"Wala namang regrets because noong mabuntis naman ako, handa na ako sa panibagong buhay na papasukin ko. Wala akong pagsisisi kasi nabigyan naman ako ng baby.
"Makita ko lang na ngumingiti siya, I know that I made the right choice," sabi ni Roxanne sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cafe Via Mare on Tomas Morato, Quezon City last October 26.
Pinayagan naman daw siya ng mister niyang balikan ang trabaho sa showbiz. Paalala lang ng kanyang mister na huwag pabayaan ang kanilang baby.
"Priority ko pa rin naman ang pamilya ko. Noong pumayag si Elton, natuwa naman ako kasi alam niyang mahal ko ang work ko sa showbiz. Nakilala naman niya ako, artista na ako.
"Wala raw problema sa kanya basta huwag ko lang daw masyadong ipaubaya ang anak namin sa yaya nito. Mas gusto kasi niyang hands-on ako sa baby namin. Yun din naman ang ginagawa ko ever since na naipanganak ko si Reine," sabi ni Roxanne.
FREELANCE. Freelance si Roxanne dahil matagal nang nag-expire ang kontrata niya sa Star Magic ng ABS-CBN 2. Gusto niyang magtrabaho sa iba't ibang TV stations naman.
"Uso naman 'yan ngayon, 'di ba? May mga Kapamilya stars na nasa GMA-7 at TV5. May Kapuso na nandoon din sa dalawang stations. So kahit saan basta may trabaho tayong gagawin.
"Okey lang na gumawa ako sa Kapuso kasi hindi pa naman ako nakakapag-work sa kanila. Sa TV5, doon ang last TV show ko bago ako mag-asawa. Nasa sitcom ako na Everybody Hapi.
"Pero gusto ko pa rin na magtrabaho sa ABS-CBN 2. Doon ako nagsimula at welcome pa rin naman ako ng mga tao roon. Wala naman akong nakasamaan ng loob doon. Sila nagbigay ng break sa akin by giving me good projects like Natutulog Ba Ang Diyos, Ligaw Na Bulaklak and Florinda.
"Pero depende yan sa mga makakausap ng manager ko. Alam ko na si Tito Manny ang pipili ng magandang trabaho for me," diin niya.
Mabilis na pumayat si Roxanne after nitong manganak. Nakatulong daw sa kanyang pag-slim down ang pagpapa-breastfeed. Nagkuwento siya na naging delikado rin ang pagbubuntis niya.




0

