Ayon sa tell-all interview ni Ruffa Gutierrez (left) sa Paparazzi Showbiz Exposed sa TV5, nag-umpisa ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz (right) nuong March 2009. Naghiwalay ang dalawa nuong February 2010.

Photo: File photo

Tatlong bahagi ang naging exclusive tell-all interview ni Ruffa Gutierrez na lumabas sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 kaninang 1:30 p.m., November 6, 2011.

Hinimay ng programa ang mga detalye at kung paano nabuo ang love affair ni Ruffa at ni John Lloyd Cruz.

HOW IT STARTED. Ayon pa sa unang bahagi ng panayam sa detalyadong VTR (Video Tape Recording) na may titulong "Kabit-kabit na Kontrobersiya," taong 2008 nang magkakilala sina Ruffa at John Lloyd.

Ito ay sa set ng I Love Betty La Fea.

Coming from diverse backgrounds, the two started out as friends.

They were in a serious relationship by March 2009.

Pero ito ay patuloy na inilihim ng dalawa.

Dumating na sa puntong pati ang ina ng Miss World 2nd Princess, si Annabelle Rama, ay nagpahayag ng kanyang pagtutol sa diumano'y nabubuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak at ni Lloydie.

June 24, 2009, naging special guest ni Ruffa si John Lloyd sa kanyang exclusive birthday party na ibinigay ng kanyang kaibigang si Noel Oñate.

Dito na siguro malayang ipinaramdam ng magsing-irog ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

At nung June 30, 2009, halos nakumpirma na nang karamihan ang kanilang "itinatagong relasyon" nang lumabas sa isang tabloid ang litrato nilang dalawa na pumasok sa SLS Hotel sa Beverly Hills, sa California.

Sabay na lumabas ang litrato sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero hindi pa rin ito naging hudyat upang tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Tinanong ni Mo Twister ang kanyang co-host, kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at bakit nila pinanatiling lihim ito hanggang sa maghiwalay na sila.