Sheena Halili on Rocco Nacino: "Basta lumalabas kami, kinikilala namin ang isa't isa, tsaka parehas kasi kaming nagpo-focus sa trabaho namin. Ayaw naming madaliin lahat-lahat. Tsaka dalawang beses lang naman akong nakita sa event [ni Rocco]—impluwensiya na talaga siya sa buhay ko? Ganun na ba 'yon?"

Photo: Noel Orsal

"Kasi ako naman, may karapatan... ako ha, para sa akin, may karapatan naman siguro akong magbiro bilang kaibigan.

"Dahil naging kasama ko din naman siya [Arthur] nang matagal sa Marimar.

"So, yung closeness, siyempre nandun pa rin bilang kaibigan.

"Pero kung na-offend ko siya dun, I'm sorry, I'm sorry.

"Sorry, kasi hindi ko alam na magiging masama pala ang tingin doon ni Rochelle.

"Na siyempre, yun nga, alam naman natin na sila ngayon, di ba?"

May mensahe ba siya kay Rochelle?

"Ayun, wala naman, deadma na deadma lang ito," sabi ni Sheena.