Ogie Alcasid captures first few moments of Baby Nathan's birth: "Indescribable yung emotion na yun."

Gorgy Rula
Friday, November 11, 2011 @ 08:21AM  |  46763 views

 

"When the baby comes out—caesarean o normal—may moment kasi, yung baby parang hindi pa humihinga, tapos iiyak. Yung moment na hindi pa umiiyak, kinakabahan ka na nun, e. Nung narinig ko na na umiyak, wala na, yung ligaya mo na eto na siya. Siyempre susukatan yun, aalisin yung fluid sa body niya. Kinukunan ko lahat yun hanggang sa inabot na siya kay Regine. Yun yung excited ako, nakuha ko ang expression sa mukha ni Regine—yung nakuha niya si Baby Nate, yun. I think she feels in love with the baby, teary-eyed siya, e," narrates Ogie Alcasid.

 

Photo By: Noel Orsal













Gustong tapusin ni Ogie Alcasid ang nilikha niyang kanta para sa kanyang bagong silang na anak na si Nathaniel James.

Pinamagatan ito ng award-winning songwriter na "Aking Anak."

Isinulat ni Ogie ang awiting ito nang nagpa-check up sila ng misis niyang si Regine Velasquez, at nakunan ng 4D ultrasound ang sinapupunan ng Asia's Songbird, kung saan nakita ang mukha ng kanilang anak.

Ngayong nandiyan na si Baby Nathan, kailangang matapos na raw ni Ogie ang kantang yun.

Aawitin daw niya ito sa Party Pilipinas sa susunod na Linggo, November 20.                       

Walang Party Pilipinas sa darating na Linggo, November 13, dahil sa laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Kaya sa susunod na Linggo ay kailangang mabuo na raw niya ang kanta para sa kanyang anak.

Posible ring ipakita na nila ang mga litrato sa naturang musical-variety show ng GMA-7, kung saan isa si Ogie sa host at performer.

INDESCRIBABLE EMOTION. Documented ni Ogie ang lahat na minuto ng panganganak ni Regine—mula nang bago ito inoperahan hanggang sa ilang developments ng kanilang baby.

Ang isa raw sa highlights na nakunan nito sa panganganak ni Regine ay nang lumabas ang baby hanggang sa unang uha nito.

Kuwento ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Alam mo kasi, yung time na ilalabas ang baby hanggang sa unang pag-iyak ng baby, indescribable yung emotion na yun, kasi hindi mo pa naririnig yung bata.

"When the baby comes out—caesarean o normal—may moment kasi yung baby parang hindi pa humihinga, tapos iiyak.

"Yung moment na hindi pa umiiyak, kinakabahan ka na nun, e.

"Nung narinig ko na na umiyak, wala na, yung ligaya mo na eto na siya.

"Siyempre susukatan yun, aalisin yung fluid sa body niya, kinukunan ko lahat yun hanggang sa inabot na siya kay Regine.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

31 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name