Iba ang sigla ni John Estrada nang makakuwentuhan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) Biyernes, November 11, matapos ang live airing ng Happy Yipee Yehey.
Masaya kasi siya sa piling ng asawa niyang si Priscilla Meirelles.
"Okey na okey," aniya.
"Excited na kami kasi malapit na ang February na due ng panganganak niya."
Baby girl daw ang parating nilang munting anghel. Pero wala pa raw silang naiisip na ipapangalan.
"Pinag-iisipan pa namin. Tumitingin pa kami sa mga... una ang tinitingnan namin e, Bible.
"Pero, a... hindi pa kami solved talaga so wala pa kaming exact full name."
Kumusta naman ang naging paglilihi ni Prsicilla? Hindi ba ito nahirapan?
"Medyo suwerte naman dahil wala naman... hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagbubuntis niya.
"Siguro 'yong first few months lang... nakita ko siya na sumusuka.
"Konting kain, kapag hindi niya nagugustuhan, medyo isinusuka niya. But now, okey na."
WHERE'S THE CHEESE? Ano 'yong laging iniri-request sa kanya ni Prsicilla no'ng time ng paglilihi nito?
"Uhm... ang alam ko malakas siya sa cheese, e. Mahilig siya sa keso.
"So... 'yon lang ang parati niyang... kapag naggu-grocery kami, marami siyang kesong binibili," natatawang sabi ni John.
Pagkapanganak ba ni Priscilla, papayagan niya itong mag-showbiz kung gugustuhin ng dating Brazilian model-beauty queen?




0

