May bagong pinagkakaabalahan ang aktres na si Sylvia Sanchez bukod sa kanyang showbiz career.
Ito ay ang bagong sangay ng TJ's restaurant and bar sa may Sgt. Esguerra corner Sct. Bayoran Streets sa Quezon City.
Si Sylvia at ang partner niyang si Bobby Casuela ang nagma-manage nito.
Biyernes, November 11, 2011 (11.11.11), ang grand opening ng naturang resto/bar kunsaan si Senator Jinggoy Estrada ang nag-ribbon cutting noong gabi.
Umaga pa lang ay nakausap na si Sylvia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.
Ayon kay Sylvia, sa Greenhills ang unang branch ng TJ's.
"Hindi siya sa Promenade, so tagó. Pero meron akong kausap doon.
"Bibigyan daw kami ng puwesto na katabi ng Promenade sa 2013.
"Lumipat kami rito sa QC. Ang daming tao, gimikan, tapos malapit sa ABS, GMA. May mga condo.
"Tapos, magde-deliver rin kami. At the same time, may bagnet [chicharon baboy] kami to go."
Bukod daw sa QC, plano rin nila mag-open ng sangay sa Makati.
SHE GOES TO MARKET. Ang nakakatuwa kay Sylvia, personal talaga siyang namamalengke para sa mga ilulutong pagkain sa restaurant nila.
Tulad na lang noong opening, maaga pa lang daw nasa palengke na siya.
May suki raw siya ng karne.
Pero pagdating sa isda, pinipili niya ang sariwa.




0

