news

Veteran horror movie extra Lilia Cuntapay wins big in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 awards

by Mark Angelo Ching posted on November 14, 2011  STATS: 12004 Views | 18 Comments

 

Movie extra Lilia Cuntapay bagged her biggest role to date in Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 entry Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay. Her performance in the film won for her her first acting trophy.

Photo By: Allan Sancon

Kagabi, November 13, ay ginanap ang awards night ng Cinema One Originals Digital Film Festival 2011 sa RCBC Plaza, Makati City.

Ang pelikulang Ka Oryang ang nag-uwi ng awards for Best Picture, at Best Director para sa direktor nitong si Sari Lluch Dalena.

Ang Ka Oryang ay tungkol sa paghihirap ng mga babaeng na-torture noong Martial Law.

Ngunit ang big winner sa gabing iyon ay si Lilia Cuntapay, ang beteranang extra sa mga pelikulang horror.

Ang pelikula niyang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ay nanalo ng pinakamaraming awards: anim, kasama na ang Audience Choice Award, Best Screenplay, at Best Actress award para kay Lilia Cuntapay.

Ang Cinema One Originals Digital Film Festival ay ang taunang festival para sa mga independent films, na sponsored ng Cinema One, isa sa cable channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Noong 2005 nagsimula ang film festival na ito, at mula noon ay nakapag-produce na ito ng ilan sa mga itinuturing na pinakamagagandang indie films.

Kasama sa mga ito ang Sa North Diversion Road (2005), Huling Balyan ng Buhi (2006), Confessional (2007), Imburnal (2008), Yanggaw (2008), Wanted: Border (2009), Ang Damgo ni Eleuteria (2010), Dagim (2010), at Ishmael (2010).

Ngayong taon, sampung pelikula ang kasali sa Cinema One Originals Digital Film Festival.

Ito ay ang mga sumusunod:

Anatomiya ng Korupsiyon,

Big Boy,

Cartas de Soledad,

Di Ingon Nato,

Ka Oryang,

Mga Anino sa Tanghaling Tapat,

My Paranormal Romance,

Sa Kanto ng Ulap at Lupa,

Sa Ilalim ng Tulay,

at Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay.

Ang lahat ng pelikula ay binuo ng mga baguhang direktor, na binigyan ng Cinema One ng grants na tig-iisang milyong piso para mabuo ang kanilang mga obra.

Sinimulan ang screening ng sampung pelikula noon pang November 9 sa Cinema 4 ng Shangri-La Plaza Mall, at kagabi nga ginanap ang awards night.

Ang mga parangal ay pinagdesisyunan ng isang jury na binubuo ng ilan sa mga mabibigat na pangalan sa larangan ng cinema, dito sa Pilipinas at sa abroad.

STAR-STUDDED. Sa awards night ay dumalo ang ilan sa mga cast ng pelikula, tulad nina Lilia Cuntapay, Emilio Garcia, Mon Confiado, at Emilio Garcia.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  kilabotako

    11/17/2011 | 07:00 PM
    we love this kind of movies,ito ang sulit panoorin sa sinehan,,hindi iyong mga cheap na love story na walang kwenta,,,ewwwwwwwwwww,,,,love it,,,masasabi kong actress sina,,,at sana magka tv series at movies na indie sina,,ROSAN ROCES,,,ANGELIKA DELA CRUZ,,SUNSHIEN DIZON,,BEA ALONSO,ASUUNTA DE ROSSI,,ALESANDRA DE ROSSI,,IZA CALZADO,,,COGIE DOMINGO,,PATRICK GARCIA,,DANILO BARIOS,,JOSEPH BITANGCOL,,KAYE ABAD,,DES DEL VALLE,JODY SANTA MARIA,ROXANE GUINOO-YAP,,KRISTINE HERMOSA-SOTTOO, etc,,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  cocodhe

    11/17/2011 | 03:06 PM
    lilia pala name nya..hehehe! paborito ko sya sa mga horror movies..nakaktakot sya..pero magaling tlaga sya..kahit comedy na horror un movie nakakatuwa din sya..hehehe congrats po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  pepato

    11/14/2011 | 07:17 PM
    Clap! Clap! Clap! She deserves it!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  fluffysasha

    11/14/2011 | 05:05 PM
    sa wakas kilala na kita,last time na nakita ko sa doon sa sa ngalan ng ina ni nora, congrats
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  bhengot

    11/14/2011 | 02:15 PM
    congrats po, napansin din sya sa wakas. takot ako pag horror na andun sya ha ha ha Two thumbs up for giving her the award!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  eatmyjuicyfruit

    11/14/2011 | 02:14 PM
    congrats.. sana bigyan ka na ng supporting role. yung hindi na extra!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  kuchiku

    11/14/2011 | 02:02 PM
    Its about time! Congrats po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  under_rated

    11/14/2011 | 01:45 PM
    You deserve it!!! Congratulations po... sana wala ng tie, ano ba yan, di hamak na mas magaling naman to kay ni Maricar... ehehehe... sa ibang scene naman yon magaling, yong walang cut-cut... bwahahaha...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  wanna_change

    11/14/2011 | 01:33 PM
    congrats!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chevalier

    11/14/2011 | 01:09 PM
    Congratulations to Ms Lilia Cuntapay! Una ko syang napanood sa YAYA episode ng SHAKE RATTLE AND ROLL3 with Kris Aquino. Lilia was so good in her role as a witch who stole Kris' baby. The YAYA episode was even spoofed in a TV show with an impersonator of Kris Aquino tagging her own YAYA-Lilia as she is being interviewd together with Imee Marcos played by Ai-ai de las Alas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    11/14/2011 | 12:11 PM
    critical critic, hindi na ilalagay yan ng pep at malalagay na naman sa bad light ang pinakapaboritong boxer ng pilipinas..LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    11/14/2011 | 12:09 PM
    Congratz po...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • aling_nena

    11/14/2011 | 12:05 PM
    finally! you deserve it, Lilia Cuntapay! congratulations!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • blackdiamond0206

    11/14/2011 | 11:53 AM
    Shake Rattle and Roll and Aswang movies wont be the same without you Ms. Cuntapay! congrats again!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • blackdiamond0206

    11/14/2011 | 11:51 AM
    congrats Ms. Lilia Cuntapay! its about time you get recognized... congrats cinema one!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    11/14/2011 | 10:18 AM
    sa wakas!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • luvtaz

    11/14/2011 | 10:12 AM
    2 CriticaL-CRITIC ayaw ni pep ng ganyan LOL!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • luvtaz

    11/14/2011 | 10:02 AM
    dapat lang! bigyang pansin ang mga extra!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About