NEXT IN LINE: (L-R) Kristoffer Martin, Alden Richards, and Derrick Monasterio are being groomed by their home network to become the next Kapuso leading men.

Photo: Courtesy of GMA-7

Ang tween boys ng GMA-7 na sina Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio ay bini-buildup ngayon ng kanilang mother studio para maging future leading men sa TV at pelikula.

Bukod kasi sa mga guwapo, matangkad, at malakas ang dating sa mga babae, nagpapakita na rin ng husay ang tatlong ito sa kanilang pag-arte, pag-awit, at pagsasayaw— na siyang kailangan para ma-buildup nang husto ang kanilang image sa publiko.

Sa 2012, full blast na ang pag-launch kina Alden, Kristoffer, at Derrick as Kapuso heartthrobs.

Ipapares din sila sa iba't ibang young actresses at bibigyan ng mga role gaya ng binibigay sa current crop of leading men ng GMA-7 na sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Aljur Abrenica, Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, at Dingdong Dantes.

Kaya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Alden, Kristoffer, at Derrick, inamin nilang nae-excite sila sa mga magiging projects nila.

Pangako nga nila na hindi nila bibiguin ang mga nagtitiwala sa kanila sa Kapuso network.

ALDEN RICHARDS. Magse-celebrate na ng kanyang first anniversary sa showbiz si Alden Richards ngayong December 8.

Ito raw ang date kung kailan siya napili upang maging isa sa leading men ni Louise delos Reyes sa hit afternoon telefantasya na Alakdana.

Ngayong magwa-one year na siya sa showbiz, marami na raw nangyaring maganda sa buhay ni Alden, na noon ay simpleng estudyante lang na paminsan-minsan ay gumagawa ng TV commercials at sumasali sa male beauty pageants.

Sabi ng 18-year-old actor, "It's been a good year for me and God is so good for giving me this career in showbiz.

"Hindi ko po inakala na mapapasok ko ang trabahong ito.

"Simple lang po naman ang mga pangarap ko at yun ay ang makatulong ako sa family ko.

"Ngayon ay natupad ko na po ang pangako na iyon sa family ko.

"Napag-aaral ko na ang isang kapatid ko at nakakatulong na po ako sa mga gastusin namin sa bahay."