"Nag-out of the country kami, klinaro ko yun sa Star Magic na baka this time, hindi ko muna kayang makipag-duet kay Maja. Kasi nga, ayoko nang mangyari pa kung anuman ang nangyari sa Star Magic [Ball], sobra ko nang pinagsisihan yun. And then, bilang lalaki at bilang respeto, alam ko naman ang nararamdaman ng tao," says Coco Martin.

Photo: Courtesy of ABS-CBN

"Palagi lang akong naglu-look forward sa mga artistang alam kong diretso ang tingin sa trabaho niya.

"Doon ako humahanga sa isang artista."

ANGELINE QUINTO. Nali-link ngayon si Coco sa singer na si Angeline Quinto.

Si Angeline ang leading lady ni Coco sa ginagawa niyang pelikula sa Star Cinema, ang You Light Up My Life.

Pero ano nga ba ang real score sa kanila ni Angeline?

Ayon kay Coco, "Kami ni Angeline ngayon, yun nga, magkasama kami ngayon sa pelikula. 

"Sobrang may nilu-look forward ako every time na nagsu-shooting ako.

"Kasi talagang ngayon, ang hirap gumawa ng love story.

"Pero sabi ko, napakasarap pala na gumawa ng love story sa pelikula.

"Kasi, nakaka-in love gumawa, e. Nakaka-in love, e. 

"Kasi, ngayon ko lang naranasan yung magpa-kilig. 

"Dati kasi, ang mga pelikula na ginagawa ko, masyadong malalim, so sobrang saya ko."

Open si Angeline sa pagsasabing crush niya si Coco.

Si Coco ba ay "in love" din kay Angeline?

"Hindi naman po sa... well, in love po ako sa paggawa ng pelikula," safe na sagot ng aktor.