Nina says she has no issues with the Sessionistas, nor they with her. She admits, however, that she never said goodbye to the group formally, arguing that she had told the producers and they posed no objections to her leaving.

Claiming that her focus was on her solo album, she said that leaving the Sessionistas was just part of her need to "move on." 

"Hindi, dahil sa album talaga at sa mga shows out of the country. Pangit naman kung paisa-isa lang ang paglabas ko sa ASAP. Naging busy lang talaga."

NINA AS KAPATID? Pinaklaro din namin kay Nina ang di mamatay-matay na issue na tuloy raw talaga ang paglipat niya sa bakuran ng TV5.

"Pag sinabi kasing lipat, totally wala ka na sa ABS, di ba? 

"Ang puwedeng sabihin diyan, nag-aayos para magkaroon ng show sa TV5 pero di naman totally lilipat. 

"Ever since naman parang freelance naman ako ,e.

"Maganda 'yun para maraming trabaho."

NEW ALBUM. Kinumusta namin kay Nina ang album niya na ni-release na noong Sabado.

"Okay naman, it was released in the market last Saturday so I was really excited.

"Excited kasi, di ba, ang tagal na? So finally, heto, lumabas na," masaya niyang amin.

"The title of the album is Nina, Stay Alive—and it's all originals. 

"Magaganda 'yung songs and, siyempre, di na rin ako nakakapaglabas ng all original na album puro mga compilation lang.

"The carrier single is a dance song kasi para maiba naman from my previous albums.

"Marami kasi ang di nakakaalam that I love to dance; the other side naman of Nina, medyo pakita naman.

"May dance, sing, siyempre nandun pa rin 'yung mga heartbreak songs na ginusto talaga ng mga tao."

Ipinagdiwang ni Nina ang kanyang kaarawan noong Nobyembre 1.