LJ Reyes on the positive feedback she garnered for her role in Time of My Life: "Nakakataba po talaga ng puso na magustuhan nila ang isang character na pino-portray mo. Especially that my character is an antagonist. It is not easy to like a character who is evil."

 

"Salamat kung naiparamdam ko sa kanila ang mga nasa puso ni Zaira. Sa pagsasayaw, salamat din po. Wala po talaga along masabi kundi katakut-takot na pasasalamat. This serves as an inspiration for me to be better at this."

 

Kagabi, Nobyembre 20, nagtapos ang kauna-unahang danceserye ng GMA-7—ang Time of My Life. 

Isa si LJ Reyes sa mga miyembro ng cast ng nasabing serye.

Sa tinagal ng pag-ere ng programa ay masasabing napansin ng mga manonood ang kanyang pagiging epektibo bilang kontrabida, gayun na rin ang kakayahan niya sa pagsayaw. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa pamamagitan ng telepono kahapon, November 18.

SAD BUT THANKFUL. Bagamat nalulungkot si LJ sa pagtatapos ng ginawang danceserye, masaya naman ito dahil sa magagandang papuri na natatanggap daw niya.

Nilinaw rin ni LJ na hindi naman daw napaaga o naging biglaan ang pagtatapos ng kanilang serye.

Ayon nga kay LJ, "Nakakalungkot nga po, in the sense na napamahal na po ako sa character ni Zaira.  

"And also, I've already been close to the people on the set, the cast, staff and crew. Hindi naman po siya napaaga.

"It will end at the time it's supposed to end. Hindi lang po sya puwedeng i-extend kahit na po mataas ang ratings dahil naka-plano na po ang shows ng GMA.  

"And the network is committed. Actually, we were extended for a week."

Kung tutuusin, ang Time of My Life rin ang nagsilbing pagbabalik ni LJ sa pag-arte. 

Matagal din siyang nawala nang magbuntis at ipanganak niya si Ethan Akio—ang isang taong gulang na anak na lalaki nila ni Paulo Avelino.

Kaya marami raw siyang mami-miss sa show nila.

"Super mami-miss ko yung mga katrabaho ko. This project includes a pretty big cast," malungkot niyang saad.

"Mami-miss ko yung maka-eksena ang ilan sa mga pinaka-magagaling na artista sa industriya, gaya nila Ms. Jean Garcia at Ms. Cherie Gil.