Iza Calzado on her dad's posthumous award from the PMPC: "Siguro ang sarap ng pakiramdam niya ngayon na, 'Naalala pa rin pala nila 'yong naging kontribusyon ko.' Siguro iyon ang iniisip ng tatay ko ngayon, so I'm really just grateful."

 

 

Photo: Noel Orsal

"Siguro iyon ang iniisip ng tatay ko ngayon, so I'm really just grateful."

Sumakabilang buhay noong November 11 si Direk Lito dahil sa liver cancer.

Inihatid siya sa kanyang huling hantungan noong November 14 sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.

Sabi ni Iza, ito ang puntong mami-miss ang isang mahal sa buhay na namayapa na.

"But it's not like the whole day na nami-miss mo siya. Parang it comes in waves," malungkot na saad ng aktres.

COPING WITH GRIEF. Sa loob ng mahabang panahon ay nasanay si Iza na nandiyan lang lagi ang kanyang ama. 

Paano siya nag-a-adjust ngayong wala na ito?

"Okey naman. I go on living life. 

"I keep myself preoccupied. I work out a lot!" bahagyang natawa si Iza.

Dagdag pa niya, "Iyon yung... wala. I just go on with life."

Hindi naman masasabing biglaan ang pagpanaw ni Direk Lito. 

Alam na nila noon pa na may malubhang karamdaman ito. 

Kumbaga, napaghandaan na rin marahil ni Iza na darating ang panahong mawawala ang kanyang ama.

Sabi ng aktres, "Oo. Pero I don't think ang tao naman napi-prepare ng gano'n na...

"Pero iba talaga ang death nang biglaan, like 'yong mga aksidente o tragedies, something like that.