Iza Calzado on her dad's posthumous award from the PMPC: "Siguro ang sarap ng pakiramdam niya ngayon na, 'Naalala pa rin pala nila 'yong naging kontribusyon ko.' Siguro iyon ang iniisip ng tatay ko ngayon, so I'm really just grateful."

 

 

Photo: Noel Orsal

"Even people in the mall na naglalakad ka, tapos nakatingin sila lahat sa 'yo...tapos may lalapit, 'Sorry po.'

"Tapos parang...oo nga pala. Naaalala mo," saad ni Iza tungkol sa mga mabubuting taong nakakaalala sa pagkamatay ng kanyang ama.

CHRISTMAS WITHOUT DAD. Itong taong ito ang unang pagkakataon na sasapit ang Pasko na hindi na nila kasama ang kanilang ama.

"Dalawa lang kami ni Kuya ngayon," sabi ni Iza, na ang tinutukoy ay ang kapatid niyang si Dash Calzado.

"Usually kasi, meron kaming reunion sa side ng mom ko, na namayapa na rin. 

"Tapos sa dad's side ko, meron ding pagtitipon. Yun lang siguro.

"Pero hindi ko pa sure. Basta we will be together. Definitely.

"Actually, gano'n talaga siguro, death brings the family closer together.

"Any kind of loss really brings people together. 

"It's a sad reality. It's something I consider bittersweet.

"But, a...such as life. And maybe this is really the time for us to be closer. 

"And celebrate the legendary Lito Calzado by dancing on Christmas day perhaps. Ha-ha-ha!

"Sasayawan na lang namin. Oo!

"Ngingitian na lang namin.

"Tutal, ang tatay ko naman ay laging nakangiti, laging masaya.