Iza Calzado on her dad's posthumous award from the PMPC: "Siguro ang sarap ng pakiramdam niya ngayon na, 'Naalala pa rin pala nila 'yong naging kontribusyon ko.' Siguro iyon ang iniisip ng tatay ko ngayon, so I'm really just grateful."

 

 

Photo: Noel Orsal

SPECIAL SOMEONE? Sa panahon na nangungulila siya sa kamamatay pa lang na ama, mas maganda siguro kung may special someone siyang umaalalay sa lungkot na kanyang pinagdadanan, di ba?

"Bakit?" natawang reaksiyon ni Iza. 

"Marami namang nagpapangiti sa akin ngayon," pahabol pa niya.

Pero iba pa rin 'yong talagang bagong inspirasyon sa buhay niya?

"Bibigyan n'yo ba ako?" biro niya. 

"Sino ba ang puwedeng gawing inspirasyon? Baka may gusto kayong ipakilala sa akin!

"Talagang lovelife ang pinag-uusapan natin? Ha-ha-ha!

"Pero magandang segue 'yan. Para naman nakangiti ako."

Baka naman meron na rin talagang special someone na nagpapangiti sa kanya ngayon?

"Sa tingin n'yo ba, kung meron man, e, sasabihin ko?" tawa niya.

"Hindi. Basta ako'y...marami namang nagpapasaya sa akin ngayon. 

"At thank you sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal, ng respeto, suporta, at...

"Hinding-hindi ko po makakalimutan ang lahat ng mga pumunta, nagbigay ng bulaklak, nagbigay ng...

"Pagmamahal talaga ang tawag ko roon, e. 

"Salamat talaga sa lahat."