"Sharon Cuneta has her reasons for moving to another channel and we would like to respect that. Sharon has been a revered kapamilya for many years, and we genuinely wish her well in her new journey. We will truly miss her," says ABS-CBN about the decision of Megastar Sharon Cuneta to move to TV5.

Photo: Noel Orsal

Isang araw matapos pumirma ng five-year contract si Sharon Cuneta sa TV5, naglabas ng opisyal na statement ang kanyang dating mother network, ang ABS-CBN.

Nakalahad ang opisyal na statement ng Kapamilya network sa e-mail na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng Corporate Communication Department ng ABS-CBN kanina, Nobyembre 23.

Ito ang nilalaman ng maiksing official statement:

"Sharon Cuneta has her reasons for moving to another channel and we would like to respect that. Sharon has been a revered kapamilya for many years, and we genuinely wish her well in her new journey. We will truly miss her."

Pumirma ng kontrata si Sharon sa TV5 kahapon, Nobyembre 22, kasama ang  TV5 president and CEO na si Atty. Ray Espinosa, TV5 chief operating officer Robert Barreiro, at ang mga tumatayong talent managers niya na sina Sandra Chavez at Vic del Rosario ng Viva Artists Agency, Inc.

Nakasaad sa naturang kontrata na gagawa siya ng isang daily show, isang reality show, at isang pelikula sa ilalim ng Studio 5 at Viva Films.

Ayon sa ulat ng TV News, ang pelikula ay ang pinakaaabangang pagsasama muli nina Sharon at Gabby Concepcion.

(CLICK HERE to read related story.)