Nakakatuwang makitang muling magkasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
Sila ay isa sa mga naging magkapares na nag-host ng katatapos na 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong Martes, Nobyembre 22, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.
Kasama rin nilang nag-host sina Piolo Pascual at Shamcey Supsup.
REUNITED. Matatandaang ang tambalang Richard at Dawn ang isa sa mga pinakamainit na loveteams noong 1990s.
Mula sa tambalang pampelikula ay tuluyan na ngang humantong sa pag-iibigan ang relasyon ng dalawa, simula noong gawin nila ang pelikulang Hihintayin Kita Sa Langit noong 1991, na idinirehe ni Carlitos Siguion-Reyna.
Hindi man nagkatuluyan sina Richard at Dawn, napanatili nila ang magandang samahan bilang magkaibigan magpa-hanggang ngayon, kahit na may kanya-kanya na silang pamilya.
Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard noong mismong gabi ng Star Awards, naikuwento nito ang pananabik niya sa pagbabalik-tambalan nila ni Dawn sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.
"Next week, we're starting to tape na sa ABS-CBN yung Walang Hanggan," panimula ni Richard.
"Working again with Dawn? It's nice.
"It brings back memories. Oo.
"Basta ang masasabi ko, masarap na katrabaho si Dawn. Magaling na artista. Very professional.
"At saka ang haba rin ng pinagsamahan namin ni Dawn, e.
"No'ng first time na nag-meet kami... parang story conference 'yon. It was nice. It was nice to see her again.
"Kasi no'ng nag-separate kami noon ni Dawn, magkaibigan kami, e."
Ano ang una niyang naramdaman noong sinabihan siyang makakatrabaho niyang muli si Dawn?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 JeepneyDriver
11 moviefandin
10 cybergenics
9 under_rated
8 shobizaddict
7 fatedtoloveyou25
6 Paradigm
5 leavillarin40
4 alexangel
3 endot
2 endot
1 soy_tu_duena