Showbiz insiders notice continuing rift between Nora Aunor and Charo Santos-Concio

William R. Reyes
Thursday, November 24, 2011 @ 09:29PM  |  190 views

Naiulat sa Facebook posts ng Nora fans ang umano'y "isnabang" naganap sa pagitan nina Nora and Charo, nang magkasabay silang dumalo sa Philippine Advertising Congress sa Camarines Sur noong November 17.

 

 

Photo By: Noel Orsal













Nababalitang matindi pa rin daw ang iringan sa pagitan ng TV5 talent at superstar na si Nora Aunor at ang ABS-CBN president and host-actress na si Charo Santos-Concio.

Nag-ugat daw ito sa naging paglahad ni Nora ng kanyang mga saloobin laban sa pinuno ng Kapamilya Station at sa kapatid nitong si Ms. Malou Santos dahil sa "unpleasant working experiences" niya diumano, noong siya'y Kapamilya talent noong dekada '90.

Nalathala ang mga pahayag ni Nora sa October 2011 issue ng Yes! Magazine. May kaukulang sagot din ang Dos, sa pamamagitan ng isa pang ABS-CBN executive, si Ms. Linggit Tan, sa nabanggit na issue.

Ngunit wala pang pahayag sa media, bilang sagot, ang magkapatid na Charo Santos-Concio at Malou Santos.

Tila wala ring anumang effort ang sinuman sa industriya na magkaroon ng dialogue sa pagitan nina Nora at ng kanyang mga kinasasamaan ng loob. 

Bagama't malayang nakikipag-usap si German Moreno, na tumatayong manager-adviser ni Nora, sa mga pinuno ng ABS-CBN station, walang pagbanggit si Kuya Germs hinggil sa anumang posibleng pagkakabati.

Para naman kay Boy Palma, ang tumatayong personal manager at schedule master ng superstar, ang damdamin ni Nora ang kanyang pinahahalagahan.

"I can't insist nor dictate on her, on what to do, bilang pag-respeto din," banggit ni Boy Palma.

PHILIPPINE ADVERTISING CONGRESS SNUB. Samantala, naiulat daw sa Facebook posts ng Nora fans ang umano'y "isnabang" naganap sa pagitan nina Nora at Charo nang magkasabay silang dumalo sa Philippine Advertising Congress sa Camarines Sur noong November 17.

Si Boy Palma ang nag-kumpirma ng ginawang pag-iwas ni Ate Guy na magkaharap at aksidenteng magkabatian sila ni Charo sa domestic airport.

Ibig sabihin, hindi pa rin gusto ni Nora ang makipagbati sa mga pinuno ng ABS-CBN, kahit na ito'y hindi papunta sa pakikipag-trabaho o pagge-guest sa anumang programa ng ABS-CBN at ito'y papunta lang sa cordial relations.

Sa panig naman ni Charo Santos, naiulat sa PEP Alerts noong Nobyembre 23 ang obserbasyon na, diumano, hindi tumayo si Charo Santos kasabay ng kanyang mga katabi bilang pagpugay kay Nora Aunor sa parangal sa kanya ng 25th Star Awards for TV.

Pero may mga obserbasyon din, na sa mga pagkakataong nagpapalakpakan ang audience sa ilang punto ng acceptance speech ni Ate Guy, ay pumapalakpak din sa kanyang kinauupuan si Ma'am Charo at matamang nakikinig sa mahabang talumpati ng aktres.

Gayunpaman, hindi pa rin nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit sina Charo at Nora kagabi, bagama't pareho silang special awardees.  

Nasa first row sina Charo Santos at Cory Vidanes, katabi nina Susan Roces at Kuya Germs.

1  2  Next »

Related Articles

190 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name