"Nakakalungkot lang na dito sa Pilipinas, ang tingin sa akin bold star. Pero sa ibang bansa, lalo na sa mga international film festival, tinignan ka nila bilang magaling na aktres. Nakakalungkot kasi kung sino pa yung mga kadugo mo, kung sino pa yung mga kababayan mo, yun pa yung parang ang baba ng tingin sa iyo," says Mercedes Cabral.

Photo: Noel Orsal

Aminado si Mercedres Cabral na flattered siya kapag tinatawag siyang "Princess of Indie" films.

Sunud-sunod na indie movies na rin naman ang nagawa niya, at ang mga ito ay naipalabas hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Ilang beses nang nakadalo si Mercedes sa international film festivals, katulad ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa France.

Iyon ay para sa kinabibilangan niyang indie movies ng mga obra ni Direk Brillante "Dante" Mendoza na Serbis at Kinatay.

Ayon kay Mercedes, "Napa-flatter ako na matawag na ganun.

"Pero ang sa akin kasi, hindi importante yung titulo.

"Ang sa akin kasi, gusto ko yung pag-arte.

"Pag nakatanggap ako ng script at nagustuhan ko ang istorya, tinatanggap ko.

"So, basta nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko at nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko.

"Pero, siyempre, nakakatuwa rin yung ibinibigay na pagkilala ng iba sa iyo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mercedes sa presscon ng kinabibilangan niyang bagong indie movie, ang Crossroads, na ginanap sa Max's restaurant sa Sct. Tuason, Quezon City, kahapon, Nobyembre 24.

COCO MARTIN. Bukod sa taguring "Princess of Indie," tinatawag din si Mercedes bilang female counterpart ni Coco Martin.

Nagkatrabaho na ang dalawa sa Serbis at Kinatay.

Nami-miss niya bang katrabaho si Coco?