Cogie Domingo to file complaint against a man who allegedly beat him up

Rey Pumaloy
Tuesday, November 29, 2011 @ 11:41AM  |  25023 views

 

"Physical injury with damage to property siguro. Yun ang naiisip naming kasong isasampa," says Cogie Domingo about the case he is planning to file against a man who allegedly beat him up.

Photo By: Noel Orsal













Last Sunday, November 27, lang nakapag-promote si Cogie Domingo ng bago niyang serye sa TV5, ang P.S I Love You, sa showbiz-oriented talk show na Paparazzi.

Hindi nakadalo noong naunang linggo ang aktor na naging dahilan para pagdudahan na maaaring bumabalik ito sa pagiging unprofessional.

Pero nasangkot pala sa isang away si Cogie kaya hindi ito nakasipot sa scheduled interview niya.

At kaya pala naka-shades itong humarap sa camera ay dahil namamaga pa ang kanang mata nito mula sa pagkakasuntok.

THE INCIDENT. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cogie, pagkatapos ang live guesting niya sa Paparazzi, inilahad nito ang kinasangkutan niyang gulo.

"Sa Ayala, Alabang yun. Bahay ng kaibigan namin, common friend..." banggit ni Cogie kung saan naganap ang insidente.

"It so happened na pamangkin yun no'ng common friend namin," sabi ng aktor, na ang tinutukoy naman niya ay ang lalaking nambugbog daw sa kanya.

"After no'ng nangyaring yun, sabi no'ng common friend namin, 'Dini-disown ko na yun. Hindi ko na siya itinuturing na pamangkin.'

"Pina-blotter na raw niya para hindi na raw makapasok ng village nila dahil sa ginawa nila.

"Hindi na sila on good terms na dalawa. 

"Kasi siyempre, after what happened, parang nabastos na rin siya."

UNEXPECTED. Base sa natatandaan ni Cogie, kaswal lang ang pagpasok niya sa bahay ng kanilang common friend kung saan nandun ang lalaking nambugbog sa kanya.

Kuwento pa ni Cogie, "Pagpasok ko ng bahay, nakita ko sila, ipinakilala ako sa kanila...

"'A, hello, hello!' Handshake.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name