Ronnie Ricketts on wife Mariz: "Alam mo the thing with Mariz kasi, I didn't know she's that strong. Kapag may mga problema or may nangyayari, nandiyan 'yan. [Yun ang] one  thing na na-appreciate ko sa wife ko—na dati hindi ko nakikita. But now that you're in the government, di ba, ang dami mong problema, [ang] daming natatapakan? Basta siya yung lumalaban para sa akin."

 

Photo: File photo

Sa Paparazzi Showbiz Exposed noong Linggo, Nobyembre 27, na-interview ni Dolly Anne Carvajal, para sa segment nitong "Hello Dolly," ang Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie Ricketts.

Bago pa man naging OMB chairman si Ronnie, aktibo ito sa paggawa ng mga action films through his Rocketts Productions, katuwang ang asawa nitong si Mariz.

DEATH THREATS. Kinamusta muna ni Dolly Anne, isa sa mga program host, ang trabaho ni Ronnie sa OMB.

May mga natatanggap na ba siyang death threats dahil sa paghabol niya sa mga namimirata?

Tugon ni Ronnie, "Part of the job.

"You know, nung una, akala mo biru-biruan, but as you go along, marami kang nasasagasaan.

"It goes with the job.

"But the thing is, yung focus mo, yung dedication mo lang is there."

Ano ang ginagawa niya kapag nakakatanggap siya ng threats?

Sagot ni Ronnie, "Nung una medyo ano ka, conscious, masyadong malikot ang mata mo.

"After a while, you get used to it. Pero you still have to be on guard—the word is on guard lagi."

Paano niya hinaharap ang mga isyung kakabit ng kanyang trabaho bilang pinuno ng Optical Media Board?

Paano kaya niya maikukumpara ang trabaho niya sa mga naunang chairman ng ahensiya?

Paliwanag ni Ronnie, "Pangit kasi i-compare, e. You know, they're my friends.