PART 1. Angelica Panganiban jokes about shifting to comedy after winning two Best Comedy Actress awards

Rose Garcia
Wednesday, November 30, 2011 @ 03:50PM  |  28599 views

 

Angelica Panganiban on being recognized as a comedy actress: "I'm sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi. So, nakakatuwa lang talaga. Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Photo By: Noel Orsal













Masayang-masaya si Angelica Panganiban sa pagkapanalo niya sa 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City kagabi, November 29.

Si Angelica ang nanalo sa kategoryang Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program para sa Banana Split ng ABS-CBN.

Ito ang ikalawang acting award ni Angelica mula sa Enpress. Una siyang nanalo sa Golden Screen Movie Awards bilang Best Comedy Actress para sa pelikulang Here Comes The Bride.

STILL A DRAMATIC ACTRESS. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica pagkatanggap niya ng kanyang trophy, nagbiro siyang magsu-switch na siguro siya ng career dahil parang mas tanggap siya sa comedy.

"Oo, magsu-switch na ako!" natatawang sabi niya.

"Hindi naman, nakakatuwa lang na tinanggap ako ng mga tao sa dalawang mundong yun."

Pero drama naman daw talaga ang linya niya magmula pa noong child actress pa lang siya.

Kaya alam daw niyang hindi siya maninibago sa drama kahit comedy ang madalas niyang gawin ngayon dahil nga sa gag show na Banana Split.

Saad pa ni Angelica, "I'm sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi.  

"So, nakakatuwa lang talaga. 

"Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Dagdag pa niya, "Siguro, nakakatuwa lang din isipin na sa mga kasabayan ko, ako lang din naman talaga ang nag-focus at binigyan ko ng panahon ang pagpapatawa.

"So, siguro nakaka-refresh din sa paningin ng mga tao na may...nakakikita silang ganoong mukha na luko-luko pala. 

"So, siguro talagang may ibang karisma yung ganoon, di ba?"

Pero saan ba siya mas masaya—comedy o drama?

1  2  3  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name