news

PART 1. Angelica Panganiban jokes about shifting to comedy after winning two Best Comedy Actress awards

by Rose Garcia posted on November 30, 2011  STATS: 28980 Views | 11 Comments

 

Angelica Panganiban on being recognized as a comedy actress: "I'm sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi. So, nakakatuwa lang talaga. Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Photo By: Noel Orsal

Masayang-masaya si Angelica Panganiban sa pagkapanalo niya sa 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City kagabi, November 29.

Si Angelica ang nanalo sa kategoryang Outstanding Performance by an Actress in a Gag or Comedy Program para sa Banana Split ng ABS-CBN.

Ito ang ikalawang acting award ni Angelica mula sa Enpress. Una siyang nanalo sa Golden Screen Movie Awards bilang Best Comedy Actress para sa pelikulang Here Comes The Bride.

STILL A DRAMATIC ACTRESS. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica pagkatanggap niya ng kanyang trophy, nagbiro siyang magsu-switch na siguro siya ng career dahil parang mas tanggap siya sa comedy.

"Oo, magsu-switch na ako!" natatawang sabi niya.

"Hindi naman, nakakatuwa lang na tinanggap ako ng mga tao sa dalawang mundong yun."

Pero drama naman daw talaga ang linya niya magmula pa noong child actress pa lang siya.

Kaya alam daw niyang hindi siya maninibago sa drama kahit comedy ang madalas niyang gawin ngayon dahil nga sa gag show na Banana Split.

Saad pa ni Angelica, "I'm sure, may mga pangilan-ngilan nami-miss din akong umiyak or makitang nang-aapi or inaapi.  

"So, nakakatuwa lang talaga. 

"Hindi ko akalain na noong bata ako, makakatanggap ako ng award bilang isang komedyante."

Dagdag pa niya, "Siguro, nakakatuwa lang din isipin na sa mga kasabayan ko, ako lang din naman talaga ang nag-focus at binigyan ko ng panahon ang pagpapatawa.

"So, siguro nakaka-refresh din sa paningin ng mga tao na may...nakakikita silang ganoong mukha na luko-luko pala. 

"So, siguro talagang may ibang karisma yung ganoon, di ba?"

Pero saan ba siya mas masaya—comedy o drama?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  flattener7

    12/03/2011 | 06:16 PM
    sana nga c Maricar nlng bwi set yng KC nyn!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  comentaryo

    12/01/2011 | 11:56 AM
    congrats to you beautiful Angel ng buhay ko..We love you Angelica .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyme4sure

    12/01/2011 | 11:28 AM
    love you Angel, more power!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    12/01/2011 | 06:21 AM
    ang galing talaga ni idol BRAVO!sa alta galingan mo ng maigi,at sana magkasundo-sundo kayo nila greta at kc huag mong paliitin ang mundo mong ginagalawan dahil sa dami ng kaaway.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ejavier13

    12/01/2011 | 01:30 AM
    magaling, sige na nga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    12/01/2011 | 01:25 AM
    Yap agree sana iba na lang kasama kahit love ko si greta at angelica parang napapaayaw na ako manood ng alta dahil nawalan ako ng amor don sa isa sana nga si maricar na lang ipalit mas magaling naman yun umarte kesa kay ngalngal queen.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • teenette16

    11/30/2011 | 05:58 PM
    good job abgelica!abscbn shld take care of this girl because she is a rare gem!congrats angel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • walau_we

    11/30/2011 | 05:23 PM
    korek, bagay sa kanya un mataray at maldita. kering-keri nya. sa comedy napaka-natural dn. pero sna d na isinama c kc sa tele nyo. c maricar n lng sna, classic ang beauty..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    11/30/2011 | 05:17 PM
    deserving. masarap sila pagsamahin ni Bitoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • meganontalaga

    11/30/2011 | 05:12 PM
    galing ng batang ito! nilalampaso sa akting ang mga taga kamuning!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    11/30/2011 | 03:56 PM
    Gusto ko si angelica yung sosyal na mataray like yun si scarlett sa last teleserye ni clau with angelica tapos ang rubi grabe she nailed it sa rubi. Ayoko sya na mabait d bagay mas carry nya sosyal na maldita at sa comedy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About