Taun-taon mula pa noong 1989, naglalabas na ng kalendaryo ang liquor brand na Tanduay.
At karamihan ng mga naging "Tanduay Calendar Dream Girls" ay may imaheng sexy o nakagawa na ng mga proyektong nalilinya sa paghuhubad at pagpapa-sexy.
Pero nitong nakaraang taon, unti-unti nang nag-iiba ng direksyon at estilo ng mga kalendaryo ng nabanggit na liquor brand.
Mula sa unang calendar girl nila na si Alma Moreno, hanggang kina Gretchen Barretto (nung ST o "sex trip" days pa nito sa Seiko Films), Ara Mina, Viva Hot Babes, Katrina Halili, Ehra Madrigal, Bangs Garcia, at Niña Jose, unti-unting nagiging "tame" na ang pictorials.
Katunayan, sa mga kuha ng 2011 calendar girl na si Iya Villania, ni wala itong litrato na naka-two piece swimsuit.
At ngayon, sa 2012 calendar girl nilang si Carla Abellana, pinaka-sexy nang maituturing ang kuha ng model-turned-actress na naka-shorts at pangtaas na sando.
Masasabing pinaka-"revealing" na ang pagpapakita ng 25-year-old Kapuso star ng makurbang bewang at ang tiyan nito.
Deskripsyon nga ng executives ng kumpanya ng liquor brand, sexy pero glamorosa ang datíng ng kalendaryo ni Carla.
Imbitado ang showbiz press, na kinabibilangan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pagpapakilala nang pormal kay Carla bilang Tanduay calendar girl for 2012.
Ang press presentation ay ginanap noong Martes, Nobyembre 29, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.
Nabanggit ng press na nag-sexy scenes na rin naman si Carla sa huling pelikula nitong My Neighbor's Wife.
Paglilinaw naman ni Carla, wala raw kinalaman ang Regal movie sa offer na gumawa siya ng sexy calendar para sa liquor brand.
"Actually, hindi pa nila napapanood ang My Neighbor's Wife back then.
"Pero nung lumabas na yung My Neighbor's Wife—signed sealed, delivered na yung...




0

