"Pero, siyempre po, nasa GMA[7] po yun kung sino po ang ibibigay nilang ka-partner ko. Wala naman po akong karapatan na mag-demand," says Alden Richards when asked why is he being paired again with Louise de los Reyes.

Photo: Noel Orsal

Masuwerte si Alden Richards dahil napakapositibo ng datíng niya sa karamihan, lalo na sa movie press.

Marami ang nagsasabi sa entertainment reporters na he can really be the next big thing.

Sadyang mabait daw kasi ang Kapuso actor.

Sa press conference ng Ang Panday 2 sa Annabel's Restaurant kahapon, December 1, marami ang natuwa at bumati kay Alden dahil sa pagkapanalo niya bilang Breakthrough Actor ng 2011 Golden Screen TV Awards.

Ito ay ipinamamahagi ng Entertainment Press Society, o Enpress. Ang Enpress ay isa sa dalawang malaking grupo ng local entertainment media. Ang isa pa ay ang Philippine Movie Press Club (PMPC), na nagdaos ng kanyang sariling awards night kamakailan.

BEATING MATTEO GUIDICELLI, ETC. Ayon kay Alden, ang kanyang pagkapanalo na isang bagay na hindi niya talaga inaasahan.

"Hindi ko po ine-expect kasi ang mga kalaban ko po sa category, ang bibigat at saka, ang dami po namin. 

"Si Matteo Guidicelli, yung magkapatid na Elmo at Frank Magalona.

"To think na simula pa lang po ako, tapos, nakuha ko po ang award, nakakagulat pa rin po.

"Parang hindi pa rin po ako makapaniwala. Paggising ko ng umaga, tinitingnan ko ang award ko, parang, 'Akin na ba 'to?'

"Parang, 'Ako ba talaga ang napili for this?' Talagang sobrang thankful po ako sa Enpress."

Overwhelmed daw talaga si Alden sa mga nangyayari sa kanyang career sa loob ng wala pa halos isang taon.

Tandang-tanda ni Alden ang showbiz anniversary niya na pumatak sa December 8.

"Sobrang overwhelmed po. Seven days [mula sa araw ng interview] to go po before one year, pero 'yung blessing po ni Lord na dumarating sa akin, talagang hindi ko po sasayangin. 

"At saka, magbibigay pa po ako ng more effort at mas magiging responsible pa po ako sa lahat ng hahawakan kong projects."