Noong Miyerkules, Nobyembre 30, nag-last taping day na si Mo Twister sa Juicy! Halos tatlong taong kabahagi ng daily entertainment show ng TV5 si Mo.
Dito rin nasaksihan ng publiko kung paano nabuo ang magandang pagkakaibigian nila ng mga kasama niyang sina Alex Gonzaga, IC Mendoza, Shalala, at Cristy Fermin.
Pero iba ang relasyong nabuo sa kanila ni Cristy dahil, sa ngayon, itinuturing na ni Mo ang beteranang TV host na "nanay-nanayan."
Matatandaang naging mortal na magkaaway ang dalawa noong nasa magkabilang bakod pa sila, si Cristy sa ABS-CBN at si Mo sa GMA-7.
Pero sa kuwento ni Cristy noon, "isang ngiti at sorry" mula kay Mo ang naging tulay upang maging magkaibigan sila nang magkita sila sa station ID shoot ng Kapatid network.
At habang nasa Juicy taping noong Miyerkules si Mo, nag-tweet ito ng "At Juicy taping. One of the great things about entertainment shows, u get all the latest info bout celebs including yourself."
SPECIAL FAREWELL EPISODE FOR MO. Sa kuwento na nakarating sa amin, binigyan ng mahabang panahon ng production staff ng show ang kanilang espesyal na pagbibigay-pugay sa papaalis na Juicy host.
Naging emosyonal daw ang buong studio pati na ang staff dahil hindi nila mapigilang makisimpatiya sa palabang DJ/TV host dahil "may lalim" daw talaga ang iyak nito.
Bago mag-alas tres ng hapon noong Miyerkules din, lumabas dito sa Pep Alerts ang tungkol sa diumano'y pagkasuntok ni Mo sa mesa ng Juicy set dahil daw sa sama ng loob kay Rhian Ramos.
Nakasaad pa sa Pep Alerts, "Napaiyak at napasuntok sa mesa si DJ Mo Twister sa huling taping niya para sa Juicy! Dahil sa matinding sama ng loob kay Rhian Ramos. Mapapanood ang nasabing episode ng Juicy! sa Biyernes, December 2."
CONTROVERSIAL JUICY EPISODE. Marami ang naging curious sa naturang episode ng Juicy! kagabi, December 2, 11:15 p.m. sa TV5.
Sa pagsisimula ng show, inumpisahan ni Cristy ang kanyang spiels sa pananalitang, "Biyernes ng gabi po mga kapatid, December 2, ito po ang gabing ayaw naming dumating sa Juicy.
"Magkakasama po kami nina IC Mendoza, DJ Mo Twister, Shalala at siyempre ang aming prinsesa, Alex Gonzaga."
Pagkatapos ng introduction, sumunod na ang normal na discussion muna ng show.
Una rito ang mga baon na tsika ng mga hosts. Sinundan ito ng mga regular segments ng show.
Halatang dedicated talaga kay Mo ang episode dahil kahit sa segment ng show na mga celebrity tweets ay patungkol kay Mo ang laman.
Sa pagtatapos ng unang bahagi ng show bago mag-commercial gap, nagbiro naman si Alex, "Can we do it, can we finish the show?"
"Sumagot naman si Shalala ng, "Ako hanggang second gap lang ako."
Sa pangalawang bahagi ng show, Facebook message naman ang binasa ni IC patungkol pa rin kay Mo.
Ito ay galing sa isang Juicy viewer na nagpost ng kanyang mensahe sa Fanpage ng show na nagsasabing mami-miss daw niya ang matapang na TV host.
Sa pangatlong bahagi ng show, nag-update muna si Cristy tungkol sa pagsasampa na ng demanda ng pamilya ni Cogie Domingo sa taong nambugbog sa kanya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
95 BETCHA68
94 pinaypay1
93 sterlingrose
92 mccec65
91 phil2011
90 liwayway
89 epobre
88 Santosd27
87 ailenjade
86 lynn_q8
85 ngalotp
84 milomilo123
83 calisa20
82 milomilo123
81 gmabs27
80 clay28
79 fifiandtheflowertots
78 angelrivera
77 angelrivera
76 angelrivera
more comments