LJ Reyes on rumors linking boyfriend Paulo Avelino to gay benefactor: "Tinatawanan lang po niya yun."

William R. Reyes
Tuesday, December 06, 2011 @ 06:48PM  |  20746 views

 

LJ Reyes on talks that her boyfriend Paulo Avelino has a gay benefactor: "E, lagi namang ganun po, e. Handa naman po kami sa ganyan. Sanay naman po kami na ma-link kung kani-kanino, di ba?"

Photo By: Noel Orsal













Sa nangyayaring tila rigodon o lipatan ng mga artista sa iba't ibang TV networks, nananatili si LJ Reyes bilang isang Kapuso.

Ayon kay LJ, desisyon daw niyang manatili. Obserbasyon din ng ilan na binibigyang halaga lang siya ng kanyang home network. 

"Naramdaman ko rin naman po sa kanila, lalo na no'ng nag-end yung contract ko sa kanila, ayaw pa nila akong paalisin.

"Sabi nila, 'LJ should stay...' ganyan. 'We want LJ!'" bungad ng masayahing young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya sa Christmas party ng PPL Entertainment Inc. noong December 1.

Ang PPL ni Perry Lansigan ang humahawak sa career ni LJ.

NO REGRETS. Public knowledge na nagbunga ang pagmamahalan nina LJ at Paulo Avelino.

Kapwa produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina LJ (Batch 2) at Paulo (Batch 4), pero ngayon ay lumipat na sa ABS-CBN ang young actor.

Ipinanganak ni LJ si Ethan Akio noong July 24, 2010. One year and four months old na ngayon ang bata.

Bakit Ethan Akio ang napili nilang ipangalan sa baby nila ni Paulo?

"Yung Ethan po kasi, it means strong, bright. Tapos Akio, [means] hero."

Halos hindi naman naapektuhan ang career ni LJ dahil sa kanyang sandaling pagkawala sa showbiz dahil nga sa kanyang pagbubuntis.

At lalong hindi raw nagsisi si LJ.

Aniya, "Hindi naman po, kasi talagang...ang happy ko po ngayon, e!"

Katatapos lang mapanood si LJ sa primetime series na Time of My Life ng GMA- 7.  

"Pagkabalik ko po, yun ang naging first show ko," sabi rin ni LJ.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name