news

LJ Reyes on rumors linking boyfriend Paulo Avelino to gay benefactor: "Tinatawanan lang po niya yun."

by William R. Reyes posted on December 6, 2011  STATS: 22578 Views | 18 Comments

 

LJ Reyes on talks that her boyfriend Paulo Avelino has a gay benefactor: "E, lagi namang ganun po, e. Handa naman po kami sa ganyan. Sanay naman po kami na ma-link kung kani-kanino, di ba?"

Photo By: Noel Orsal

Sa nangyayaring tila rigodon o lipatan ng mga artista sa iba't ibang TV networks, nananatili si LJ Reyes bilang isang Kapuso.

Ayon kay LJ, desisyon daw niyang manatili. Obserbasyon din ng ilan na binibigyang halaga lang siya ng kanyang home network. 

"Naramdaman ko rin naman po sa kanila, lalo na no'ng nag-end yung contract ko sa kanila, ayaw pa nila akong paalisin.

"Sabi nila, 'LJ should stay...' ganyan. 'We want LJ!'" bungad ng masayahing young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam siya sa Christmas party ng PPL Entertainment Inc. noong December 1.

Ang PPL ni Perry Lansigan ang humahawak sa career ni LJ.

NO REGRETS. Public knowledge na nagbunga ang pagmamahalan nina LJ at Paulo Avelino.

Kapwa produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina LJ (Batch 2) at Paulo (Batch 4), pero ngayon ay lumipat na sa ABS-CBN ang young actor.

Ipinanganak ni LJ si Ethan Akio noong July 24, 2010. One year and four months old na ngayon ang bata.

Bakit Ethan Akio ang napili nilang ipangalan sa baby nila ni Paulo?

"Yung Ethan po kasi, it means strong, bright. Tapos Akio, [means] hero."

Halos hindi naman naapektuhan ang career ni LJ dahil sa kanyang sandaling pagkawala sa showbiz dahil nga sa kanyang pagbubuntis.

At lalong hindi raw nagsisi si LJ.

Aniya, "Hindi naman po, kasi talagang...ang happy ko po ngayon, e!"

Katatapos lang mapanood si LJ sa primetime series na Time of My Life ng GMA- 7.  

"Pagkabalik ko po, yun ang naging first show ko," sabi rin ni LJ.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  juanenrico88

    12/07/2011 | 01:34 PM
    Nako LJ matakot ka sa ABS yan.. Puno ng mga hayok na bakla jan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  superbeki

    12/07/2011 | 08:54 AM
    world class sa pandaraya yan ang abs cbn, diba willie.? wowoweeeeeee ,itsss showtime!partey partey!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  gorgeous_aleck

    12/07/2011 | 07:38 AM
    starlet ba ang tawag sa may best supporting award?? di ba sa abs ang tawag sa kanya ay ACTRESS? LOL. world class? di niyo nga ma conquer ang manila, world class agad? patawa talaga kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  jams_mom

    12/07/2011 | 06:48 AM
    naku, LJ, pag pumasok na sa usapan ang mga pangalan ni deo endrinal, wenn de ramas at yun mga beki sa publicity group ng ABS, matakot ka na... wag na ring ilapit kay fafa P at sa hungHUNKS kuno...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  tele_tubby

    12/07/2011 | 05:29 AM
    sana palitan yung pic. hindi sya mukhang artista dito. ang ordinary ng mukha nya dito sa pic na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kapusoakotalaga

    12/06/2011 | 10:51 PM
    kukunnin ba yan abs sa gma kung nid magaling, wahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapusoakotalaga

    12/06/2011 | 10:49 PM
    paano naman naigng world class ang mga artista ng kapmz, sikat ba sila sa buong mundo, pati mga amerikano at espanyol ba sikat kayu sa kanila, tigilan nyo na yang ilusyon nyong world class. nakaka hibang ha, wahahahah. at hindi naman lahat ng shows nyo eh maganda, mas madame nga nget pa eh. wahahahaha world class, wahahahahhaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  redsand

    12/06/2011 | 10:44 PM
    In fairness, nag improved ang acting ability ni Paulo lately... Astig nga ang role nya sa Ikay Ay Pag-ibig. Galing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapusoakotalaga

    12/06/2011 | 10:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    12/06/2011 | 10:32 PM
    iam_brainful EASY ka lang.Nananaginip ka pa din hanggang ngayon lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • twist000

    12/06/2011 | 08:43 PM
    ang haba nga talaga puro lang questions and a bit of answers
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • losttreasure

    12/06/2011 | 08:29 PM
    mahaba nga ang article andaming articles kay LJ ngayon. publicity ng PPL an.katatapos lng ng christmas party nila with press.hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    12/06/2011 | 08:17 PM
    maganda si LJ sa personal, as in, lalo na pag nakalugay sya....pleasant din sya......parang kung titingnan mo sa TV, parang di sila bagay ni Paulo, kasi parang ang hot ni Paulo, pero pag naiisip ko nung nakita ko personally si LJ, bagay sila.....pero syempre parang mas masasabi mong mas swerte si LJ to have Paulo, grabe. ang lakas ng appeal ni Paulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    12/06/2011 | 08:05 PM
    Pano ba yan, worldclass na ex bf mo.... ikaw gma starlet ka pa rin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gohan0411

    12/06/2011 | 08:02 PM
    hhahahaha ako din d rin namn interesting pero natapos ko rin basahin hehehee siguro dahil k Paulo involved sya kaya konting interest like ko kasi si paulo,well gudluck sana i the future kau na talga for the sake of your baby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hoperisen888

    12/06/2011 | 07:38 PM
    ang haba nga ng article...pero ewan ko ba kung bakit ko pa tinapos...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • blondie

    12/06/2011 | 07:18 PM
    Wala na bang ibang topic para sa starlet na Ito Kung di tungkol sa sikat nyang ex boyfriend?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    12/06/2011 | 06:52 PM
    taas naman ng article di ko na lng binasa nang nakita ko ang haba hehehe gud luck na lng un lng.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About