The entertainment press tried very hard to get an answer from comedian Vic Sotto about his rumored relationship with Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna. Vic avoided answering questions by using his wit and charm.

Photo: File photo

Muling tumuntong si Vic Sotto sa ABS-CBN compound kagabi, December 8, dahil sa press conference ng pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas para sa Metro Manila Film Festival 2011, ang Enteng Ng Ina Mo.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theater ng Kapamilya network.

Sa naturang presscon ay sinubukang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Vic ang napapabalitang relasyon daw nila ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Pauleen Luna.

Pero naging mailap ang comedian-TV host sa pagsagot kaya hindi nasagot ang katanungan ng marami.

Nagsimula ang attempt ng entertainment press na alamin ang tungkol sa kanila ni Pauleen sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang plano niya ngayong Pasko.

Sagot ni Vic, "Ganoon pa rin. Kung ano ang plano ko last year, hindi naman nagbabago yun, e."

Sundot na tanong sa kanya: May nagpapainit ba ng Pasko niya ngayon?

"Palaging mainit din ang Pasko ko. Tuwing Pasko, natatanong din ako niyan!" natatawang sagot ni Bossing.

Sumunod na tanong: Mas masaya ba ang Pasko niya ngayon?

"Palaging masaya ang Pasko," tugon ni Vic.

Hirit na tanong muli sa kanya: May inspirasyon ba siya ngayon?

"Palagi akong may inspirasyon. Marami akong inspirasyon," safe na sagot niya.

Halatang idinadaan na lang ni Vic sa mga biro ang sagot niya sa mga tanong ng press, lalo na nang tanungin kung may lovelife ba siya ngayon.

Sabi niya, "Palagi akong may lovelife."