May post sa Facebook account ni Manny at Pie Calayan, ang mag-asawang celebrity doctors, na nakuha ang atensyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Ayon sa post, na in-upload ng Huwebes, Disyembre 8, 4:51 p.m: "Ive heard that Ms Aida Arceo, our previous employee in L.A. at producer din, niloko din charice pempengcos concert??? tsk tsk tsk"
Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP na makausap si Dr. Manny ay ang tungkol dito ang agad naming inusisa.
Nangyari ang panayam sa Christmas party ng mga Calayan para sa mga close friends nila sa showbiz na ginanap sa Hotel Intercon sa Makati City kagabi, Disyembre 10.
Present din sa party ang ilan sa celebrity endorsers ng Calayan Surgicenter na sina Carlos Agassi, Sam YG aka Shivaker, Maria Isabel Lopez, Kian Kazemi, Laguna board member Angelica Jones, John Nite, Vandolph Quizon with wife Jenny Salimao, at Selina Sevilla with partner Lalen Calayan.
Buwan ng Mayo ngayong taon nang maglabas ng babala sina Dr. Manny at Dra. Pie na si Aida Arceo, dating operations manager ng Calayan U.S. Branch ay hindi na raw kunektado sa kanila.
Kung sinuman daw ang makatransaksyon nito na ginagamit ang pangalan ng kanilang klinika, e, wala na raw kinalaman dito ang Calayan.
LOSING MILLIONS OF DOLLARS. Ayon kay Dr. Manny, niloko daw sila ng dati nilang empleyadong Pinoy na naninirahan sa Amerika.
Sa panayam nga ng PEP at iba pang media, ayaw nang banggitin ni Doc ang pangalan nito dahil may naka-file na raw na kaso kontra rito sa Amerika.
Pero ano ba talaga ang ginawang panloloko ng taong ito sa kanila?
"Hindi ko pa pwedeng sabihin," ani Dr. Manny.
Magkano ang nawala sa kanila dahil sa panloloko ng taong ito?
"Millions. Hindi ko masasabi yung actual amount. Basta millions of dollars."
May ideya ba siya kung nasaan ang taong ito ngayon?
"Yes, pero bahala na yung mga imbestigador doon [sa U.S.]."




1

