Mikael Daez on his first year in showbiz: "Masaya! You have Temptation Island. You have Amaya. You have Penshoppe. I mean, those three things, sa top na yun. Wala pa akong one year basically, but it's been amazing, and hindi ko ine-expect.  I find it fulfilling."

Photo: Erwin Santiago

Unang sabak sa pag-arte ng baguhang aktor na si Mikael Daez ang epic-serye ng GMA-7 na Amaya, kung saan naging isa siya sa leading men ng bida ritong si Marian Rivera.

Pero bagamat palabas pa hanggang ngayon ang Amaya, hindi na napapanood dito si Mikael dahil namatay na ang character niya bilang si Lumad.

Pero may kasunod naman agad na proyektong ibinigay sa kanya ang Kapuso network, ang The Beloved

At buong-puso naman daw na tinatanggap ni Mikael ang pangyayaring ito sa kanyang career.

Ayon kay Mikael, "Of course, I know that it's part of showbiz, so okay lang.

"Pero siyempre, nalungkot din ako dahil grabe ang pagkakaibigan namin sa Amaya, yung friendship na nangyari.

"May kinausap ako do'n at sinabi, 'Mikael, you make friends at work but at the same time, work is work. So, kailangan, you know how to move on and grow.'

"Kaya sabi ko, 'Tama. Mabuti nakausap kita.'

"So, yun, nalungkot pa rin ako. 

"It's a great show and being it's my first show, of course, who would want to see it finish?

"At saka siyempre, may pagka-sentimental moment pa 'yan, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa thanksgiving dinner ng Mercator Model and Talent Management ni Jonas Gaffud noong Miyerkoles ng gabi, December 14, sa Casa Pura.

Pero ayon kay Mikael, malaki ang pasasalamat niya na ang Amaya ang naging regular show niya sa TV.

"Super!" bulalas ng model turned actor.

"I feel so fortunate and thankful sa GMA kasi I started off at Temptation Island, and then Amaya, that were both hits and sobrang saya ng production.